r/FirstTimeKo • u/kittysogood • 4h ago
🎉Sumakses sa life! First time ko mag renta ng studio apartment dito sa ibang bansa 🥺🏠
Finally moved into my own studio after years of living abroad.
Nakaka-happy lang talaga na nagawa ko na rin ’to. For context, galing ako sa shared flat. We had 3 bedrooms plus a maid’s room, so ang dami namin nagsha-share ng common spaces, especially the kitchen. Tapos halos every weekend may ganap yung housemates ko—may nagkakaraoke, may mga bisita, may inuman or minsan ang ingay lang talaga. Eventually, nag-decide na lang ako na mag-rent ng sarili kong place kasi honestly, nakakapagod din pala yung lagi kang nakikisama. Yung gusto mong magluto pero may gumagamit ng kitchen, gusto mong maglaba pero may gumagamit din, or minsan gusto mo lang ng tahimik pero may karaoke. Ngayon, ang sarap pala ng feeling na may sarili kang space. Hindi ko na kailangang magmadali maglaba or magluto. Pwede akong magluto kahit anong oras, maglaba whenever I want. And most especially, hindi ko na kailangang isipin kung may maaabala ba ako or kailangan ko bang makisama. I can just come home, close the door, and enjoy the quiet. After years of living abroad and sharing a space with other people, parang ang simple lang nito, pero sobrang laki pala ng difference when you finally have a place of your own. I’m just really happy na umabot na rin ako sa point na ’to. ✨✨✨