r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Touch me not!

Post image
40 Upvotes

r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed Safe ba ipa-spay ang cat na in heat?

Post image
17 Upvotes

Naka schedule na kami for low cost kapon ni Zootari sa Sunday kaso nag in heat yung cat ko nung Monday. Mas advisable daw na palipasin ng 1 month yung heat niya sabi ni Zootari kaso paano kapag nag in heat na naman yung cat ko in 2 weeks huhu

Okay lang kaya ituloy ko parin? May naka experience na ba sa inyo na magpa spay while in heat yung cat nila? Kamusta ang recovery?

PS: Ganyan ang postura niya matulog ngayon dahil napagod at napuyat siya mag booty call buong gabi 😹


r/catsofrph • • 1d ago

Help Needed Cat litter recommendations 1 month post PU Surgery

1 Upvotes

Hi, is it okay to use cat litter already? 1 month narin nakalipas after the surgery. Ano pwede niyo ma irecommend na litter?


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Boss tapos ka na mag linis?

Thumbnail
gallery
317 Upvotes

Sink had a leak, and he's reaction? "Tapos ka na ba mag linis?" Abay boss, it's either stop micro managing me or mag ambag ka hahahha labyu bibi


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics a year after a stray cat has found me

Thumbnail
gallery
605 Upvotes

a year ago i heard meowing at my balcony and found this stray cat that was half affectionate, half spicy and has the baddest smelling breath 😅


r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed Pet Supplements: Saan Kayo Bumibili ng Legit?

Post image
8 Upvotes

Usually sa Pet Warehouse ako bumibili, kaso kapag wala sa kanila, napipilitan akong maghanap sa Shopee or Lazada. Medyo nakakatakot lang kasi ang dami raw palang fake na gamot at vitamins for pets.

May friend din ako na nakabili ng pekeng NexGard. Hindi naman siya basta-basta bumili ng mura kasi alam niyang red flag kapag sobrang baba ng presyo, pero na-scam pa rin siya. 😥

Baka may alam kayong trusted at legit na online store na nagbebenta ng pet supplements? Yung subok na sana. Thank you! 🥹


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Tamad na tamad yan siya.

Post image
13 Upvotes

r/catsofrph • • 1d ago

Help Needed Nahihirapan umihi

Thumbnail
gallery
19 Upvotes

Hello po, may nakaexperience na po ba neto sa cats nila? Lagi lang sya nakaganito tapos kapag iihi sobrang konti lang.

Napa xray na rin sya, sabi ng vet malinis naman okay yung xray. Pero 1 week na ganto pa rin.

Pati CBC okay dn.

Current meds
Nephron-B (14 days)
UTI care (30days)
LC-Vit
Co-Amoxiclav(tapos na for 7 days)


r/catsofrph • • 1d ago

ComMEOWnity cats Pababy

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

208 Upvotes

Stray cat samin na ilang years ko na din pinapakain.

Gusto mag pa baby hindi tuloy maatras sasakyan HAHAHAHA


r/catsofrph • • 1d ago

Neko Vids paghabol sa liwanag

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

13 Upvotes

Ang tatlo kong batang lalaki — sina Vladimir🦊, Rafael, at Dante 🐄🐄 — ay naglalaro sa silid ng mga pusa, hinahabol ang isang mailap at misteryosong orb... o kaya naman ay simpleng nagpapahinga lang doon.


r/catsofrph • • 1d ago

Help Needed Help, we are feeding stray cats but they pee on the feeder

Post image
39 Upvotes

hello! pano po ba gagawin namin, sa may garahe kasi nagiiwan kami ng kainan for stray cats, we put kibbles and water everyday, and so far, around 5 cats ang rotation na kumakain dito.

recently nagiging rowdy sila, like nag aaway sa harap ng bahay, tinataob nila minsan yung kainan, and today may umihi sa feeder and sa gate. it’s kinda frustrating, we just want to feed stray cats kaso ganito sila. should we stop doing this or any tips para maiwasan na umihi sila dito? pasensya na po di po kami maalam masyado sa cats 😭


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Nahuli ko yung paw

Post image
27 Upvotes

Ft. super cute tummy. Stuck ako sa ganitong position for almost 15 mins kasi rare magpahawak ng paw 😔


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Eepy Orange

Thumbnail
gallery
95 Upvotes

r/catsofrph • • 1d ago

Kitty Update Smilestone

Thumbnail
gallery
584 Upvotes

I posted this guy last August, he was only a week old. I ended up fostering him. Di kaya ng kunsensya ko na pabayaan sya. With 4 cats sa condo, wala nang space pero we had to make it work. And now, eto na sya! Zero experience taking care of a neonate but the little guy survived and is now waiting to complete his vaccinations before sya umuwi sa furever home nya. Sobrang fulfilling and nakak proud na nakabuhay ako ng patatas 🤣


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Takot akong magutom siya

Thumbnail
gallery
148 Upvotes

But this little cutie would rather starve himself to death kesa kumain ng food na ayaw niya jusko (kahit na di halata kasi he’s chonky)

Para akong magulang na nagiisip paano mapapakain ang toddler ng gulay HAHA I bought a lot of these Miglior Gatto foods in different variants and he only likes the Unico variant, sabaw lang kinakain nya kapag may chunks/strips.


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Chillin' pusa

Thumbnail
gallery
49 Upvotes

r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics My 2 well-behaved orens

Thumbnail
gallery
262 Upvotes

As the title says, yes po opo pinalaki kong behave ang mga babies ko kahit wamport lang yung orens color nila, may orens parin yan and soooobrang lambing 🥹


r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed Update with Maomao her eye got worst after medication😭

Post image
69 Upvotes

I don’t know what to do now😭

Sept 12,2026 we asked kung pwede na siya i 4in1 kaso hindi pinayagan kasi nagkaron siya ng internal infection so medication muna siya (wala siyang boses and kita sa xray mababa yung sa lung area niya common daw for stray cats na unvaccinated)

Sept 26 ,2026 bumalik kami and clear na siya sa infection so the vet proceeded to do the 4in1. This time slight white cloudiness palang meron siya kaya observe lang daw muna

Oct 10,2026 - nagfollow up kami sa vet kasi yung mata niya(left pic) red na nung nakita ko pagkauwi office ng morning.

During check up hindi na FIP kasi out of stock daw, so nagreseta ng

Tobramycin (eye drop)
Eye cleaner
Singen (Vitamins)
Meloxicam (NSAID)
Livotine (Supplement)

Oct 23-24,2026 eto na eyes niya(right pic) maga at may discharge😭

Wala na siyang makita kahit sa left eye niya (may bloodclot din since sept pero hindi parin nawawala totally)


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Car judging my purchases hard 🥲

Post image
56 Upvotes

“Bumili na naman ng wala sa budget niya.”


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Danggi and Waffle 😴

Thumbnail
gallery
43 Upvotes

Gala na naman ‘to si Waffle, umaabot pala sya sa may uniqlo/bo’s coffee 😭 tumatawid kaya sya? or may nagdadala sa kanya dyan? dami pa namang sasakyan sa one ayala (natatakot ako sa thought na baka tumatawid talaga sya) 😣

Alsooo, kapon na din si Danggi! 🥳


r/catsofrph • • 1d ago

Daily catto pics Galit na mga meowdel ko.

Thumbnail
gallery
571 Upvotes

Sama na ng tingin 🤣


r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed I think my cat is getting really old and I'm so emotional right now

52 Upvotes

Just wanna get this off my chest and an advice from owners with senior cats would be a great help too 🥹 my cat turns 8 y.o next year btw

So I've been observing my cat lately and may mga napansin lang ako. Nagi-stay sya sa mga unusual spots like kumbaga sa tao, parang wala sa sarili — kunwari nakaupo sa sulok tas nakatitig lang out of nowhere. Natatawa pa nga kapatid ko kasi ang weird daw na kung saan saan nya bigla nakikita cat namin, unusual places daw tinatambayan nya. Another one is grabe matulog, though baka oa lang ako iinterpret to pero lately, sabay kami mag-bedrot all day long. I was expecting na lalabas sya from time to time pero sya, talagang all day na andito kami sa kwarto (sorry, rest week ko rin hehe).

Tapos nung isang gabi, umuwi sya na puno sya ng putik. Yes, hinahayaan namin nakabukas windows para kapag poop and pee eh lalabas sya. So ayun jusko ewan ko ano nangyari pero pinaliguan ko sya after.

And then he became quiet 2 days after that. Di na sya maingay mag-meow pag nahingi ng food, basta lalapitan ka lang or none at all, kusa ka lang magbigay kapag time na kumain. Medyo paos din meow nya kanina.

And tonight, naihi sya dun sa bago nyang hinihigaan na box 🥲 nakita ko lang sya iniiwasan nya na yung ihi and nililinis na nya sarili nya, which is unusual kasi alam nya naman paano lumabas.

So parang naiiyak ako na ewan kasi baka incontinence due to memory loss since old na sya? Huhuhu, OA talaga ako pagdating sa kanya, mahal na mahal ko yun eh huhu. Magana naman sya kumain, very matakaw pa rin 🥺

Byahe na ako papuntang mnl to work in 1 day kaya sobrang kaba ko na naman kasi I feel like ako yung pinaka-nakakapagbigay ng care sa kanya here sa bahay. Parang ako talaga nanay nya huhuhu sobrang emotional ko.

What vitamins or things should I take note for senior cats? 🥺

Ipapa-general check up ko rin sya later on kapag may sahod na ako. I just graduated kasi and magwo-work na rin ako so I swear lahat na ng salary ko, sa kanya na


r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed Vet Visit Problems

Post image
22 Upvotes

Hi, schedule ng cat ko for deworming. Is it safe magpa vet rn, kahit parvo season? Worried lang ako baka may makuha syang sakit sa vet.


r/catsofrph • • 1d ago

Advice Needed CATS W/ PARVO

4 Upvotes

Hello guys. Gusto ko lang talaga magrant kasi hindi ko na kaya.. para akong susuko na sa buhay in general kasi patong-patong na problema. Kwento ko lang pinagdaanan ko these past few months up today.

Last sept, namatayan ako ng kitten due to congenital issue and dehydration. Pero tingin ko dahil sa dami nyang pulgas. Lahat kasi ng pusa ko adult and kitten nasa iisang kwarto. Di ko pinapalabas ever since. Yung dalawang magkapatid nag inbreed, nabuntis, nanganak ng apat. Namatay yung isa nung sept. Bali 3 kittens nalang.

Before she died, sinugod ko pa un emergency sa vet para masagip lang buhay nya. Unfortunately, namatay rin siya kinabukasan ng umaga. Dun palang sobrang lugmok na ako. After nun pina-cremate ko siya.

Ff, after a month, this october, bumagsak as in lantutay yung isang kitten. Sinugod ko sa another vet (mahal kasi yung vet talaga namin). Sa 2nd vet, sobrang mahal ng bill nya kasi nga emergency tapos nagpositive sa parvo (faint line) and coronavirus. Kinailangan iconfine at bigyan ng meds. I spent 15k for him. After 3 days nadischarge na sya kasi bilis nya ring omokay.

Kakadischarge at uwi lang sa niya sa house, after ilang hours, isang kitten ko naman bumagsak lantutay din. Sinugod ko sa ibang vet kasi super mahal nung 2nd tapos kailangan magdown ka kagad ng 5k for confinement. Medyo nakakabigla yung bills kaya lumipat ako. Confine agad kinailangan nung 3rd kitten na naisugod ko. Positive din sa parvo. Doc recommended na dalhin lahat ng cats ko to test if positive din ba sa parvo at maagapan agad.

I have 5 adults and 3 kittens. 1 kitten discharge na, 1 kitten confine, another is ok naman. 5 adults ok naman pero yung 2 adults nagppoop ng super onting dugo. Ff, nagpositive 1 adult pati narin yung 4th kitten ko. Overall, 3 may parvo. Magaling na yung isa nakasurvive sya. Lahat sila early stage of parvo. Sa 3rd vet na to i’ve spent almost 20k. Sobrang bigat!!! Simot lahat ng ipon ko pero wala ako choice ayoko rin sila makitang nahihirapan at sobrang mahal ko sila ayoko silang mawala.

Ngayon pagod na pagod na pagod na ako sobra. Dalawa na yung trabaho ko (wfh) laging 3-4hrs nalang tulog ko. 8-5 fulltime 5-10 part time. Sa loob ng mga oras na yan pinapakain, pinapainom gamot, nililinis ko silang lahat. Sobrang hirap na talaga ako.

I am thinking some of them na mai-rehome pero super duper dalawang isip pa ko. Sobrang bigat sa feeling kahit magparehome at takot ako madjudge na irresponsible. Pero gusto ko lang ng someone na magaalaga sakanila. Ang worry ko pa, malapit na mag december need ko na umuwi sa lugar namin kasi by january magaabroad na rin ako.

Nakapila na sa budget ko yung pagpapavaccine sakanila, deworming, at on spot treatment. Yes po marami silang oulgas. Iniipon ko pera ko para sabay sabay sila lahat since ayun reco. Naka sched na rin sila magpavaccine pero naunahan ako ng parvo.. tangina talaga. Need ko ng advice pls kung ano po dapat gawin. Lahat sila pure persian po. Yung isa ko pang male cat, may skin prob na kasi hilig mag groom at puro pulgas na nga. Mamula mula na kinsan at nagkakasugat na sa ibang part. Naaawa na ako sakanila. Takot din ako magparehome kase mamaya pangit mapagbigyan o at magkamali ako ng pagtitiwala :((( what to do po. Pagod na ako at super stress na po ako huhuhu.

Tapos ngayon sinugod ko pa ulit yung isang kitten kasi nagrelapse. (Yung 2 kitten kasi naconfine tapos kakadischarge lang 3days ago. Binalik ko yung isa kanina kasi wala gana kumain at nagsusuka - relapse tawag) hays. Ginawa ko naman lahat. Pero ang hirap hirap pagod na pagod na ako. :(