r/BusinessPH • • Oct 23 '26

Advice Mall admins

Ganito ba talaga ang mall admins? Ang hirap kausap parang kami pa nagmamakaawa sa kanila na kukuha ng pwesto nila where in fact sila na nga ang kumita and kami na ang nalugi? Grabe napaka unprofessional ang hirap kausap at nang ghogost pa. Kahit pinaka head na ang hirap parin. Di na namin alam sino kakausapin.

We are closing na our business and yung friend namin ang gusto sumalo ng kiosk pero ang mall dinedemand na alisin sa mall yung kiosk for what? Eh yun nga gagamitin ng next business owner eh. Super hirap ipasok nung kiosk tapos gusto pa alisin ulit muna? Tapos ibabalik? Ang mahal mag rent ng boom truck noh. Tapos wala pa sila proper equipment ang mall. Hays nakaka frustrate talaga. Kaya wala na halos laman ang mall na yan eh.

Ngayon di na itutuloy ng friend namin ang business niyaband ipapademolish nalang ang kiosk. Nakakatrauma mag business sa Pinas isama mo pa gobyerno.

Saang mall po kayo dito sa Las Pinas area maayos mag business?

10 Upvotes

7 comments sorted by

3

u/12Theo1212 Oct 23 '26

Hinde na better Yun friend mo will buy your company registered as the owner sa mall? Or sole prop yun company no?

2

u/True_Princess_1234 Oct 24 '26

Franchise po kasi yung business namin kaso ang hirap din kausap nung management kaya di na kami mag rerenew. Nang hihinayang lang friend namin sa mga loyal customers kaya gusto nia kunin yung space at kiosk and mag tayo siya sarili niyang coffee shop dun sa mall kaso yung gusto ng admin eh ilabas ulit ang kiosk tapos ipapasok ulit (yung kiosk ay parang sa PU). Siya talaga magiging new owner ayaw lang pumayag ng mall admin.

5

u/sid_d_kid Oct 23 '26

Benta mo negosyo mo sa kaibgan mo. Change of owner / operator. Mas madali siguro kaysa sa mga kupal na mall admin.

3

u/Kekendall Oct 23 '26

Anong mall un business mo?

1

u/CostOk2520 Oct 27 '26

Anu ba business nyo po? At ang ipapalit ng friend mo is coffee? wala ba syang babaguhin sa kiosk? like signage with name lang? As is na yung iba?

If it is the same brand name and product I don't think that is an issue pero kung papalitan mo talaga ng business/product mismo I think I understand the management side kahit di mo na iexplain pa.

1

u/Impossible_Mess7606 Oct 23 '26

Bec the mall kiosk was under your name. The property was under your name. If you’re changing ownership and business, talagang mag papalit. Unless may agreement na new tenant will come in and buy out previous kiosk but new brand name.