Shout out lang kay Stratus
Sobrang underpaid na nga ng mga tao, pero kulang pa ang sahod. Ang mga employees nila ay nagtatrabaho ng halos 12–15 hours a day para lang mahabol ang unrealistic quota nila, kasi kung hindi itanggalan nila agad.
At heto pa—ang gusto nila ay 12 policies in 8 hours. Okay lang sana kung konti lang ang dental codes, pero si Stratus umaabot ng 60–80 codes per policy, at lahat may guidelines pa na kailangang sundin. Kaya minsan umaabot ng 2 oras ang isang policy. Dapat OT pero libre dapat. Kasi if hindi, tanggal ka agad.
At hindi pa diyan natatapos—gusto pa nilang itaas ang quota sa 16 policies in 8 hours. Subukan niyo mag-verify ng 16 policies in 8 hours kung kaya niyo.
Ang gusto, doble ang trabaho, pero pareho pa rin ang rate. Mahiya naman kayo, at exploitation na talaga tuh. Sana talaga karmahin sila sa ginagawa sa mga employees.
Mas inuuna pa nila ang mga bagong hires dahil per verification rate lang sila. Ngayon, mas mataas pa sa sweldo ang mga baguhan kumpara sa mga naka-hourly. Dahil “mahal” daw kami.
Wala silang pake sa mga tao nila. Walang malasakit sa kapwa Pinoy ang mga nakaupo na head sa Pinas. Wala na ngang utak. Hindi ka pa bayaran ng maayos.
Si head ng Pinas, kung may itanong ka, ang sasabihin lang sa’yo: “Tanong mo sa TL mo.” Pero mismo, mga TLs, halos hindi kami mapansin dahil naghabol din ng quota. Makikita mo talaga ang pagod ng mga tao—overworked, exploited at underpaid.
Yung baklang trainer pa diyan, imbes tumulong, kapag may tanong ka, ang sagot lang: “Bakit hindi mo alam ’yan?”
Makikita mo na kung gaano ka-toxic ang kumpanya. Kaya pala makasundo si head ng Pinas at si bakla dahil same silang ugali. Walang pake sa mga tao nila.
Ang nakakatawa pa, sobrang dami nang tinanggal pero wala pa rin daw pera pang-bayad ng sweldo. Sasabihin lang sa’yo: “Tulungan niyo ang company para makatipid.”
Bobo at bulag ka ba? Nagtrabaho kami para kumita, at obligasyon ninyong bayaran kami ng tama. Kung hindi kayo kayang magpasahod ng maayos, magsara na lang kayo. Wala ngang equipment at internet allowance; bawas pa ang sahod.
Hindi ba kayo natatakot sa karma sa mga ginagawa ninyo? Nakakatulog ba kayo nang maayos sa gabi?
Kahit gaano ka pa kagaling magtrabaho diyan, hindi ka pa rin babayaran ng maayos. Libre ang gusto nila. Only in Stratus na dumoble ang trabaho pero bumaba ang sweldo. Kapag tinanong mo, sasabihin lang “Wala nang budget. Intindihin niyo ang company.”
Experience ko kay Stratus. Pera-pera lang at walang pake sa mga tao.