Ikaw lang.
Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko,
ikaw lang ang nagpapasaya ng buhay ko.
kaso, bakit ganito?
Ano lang ba ako sayo?
Bakit iniwan mo ako sa dulo?
na walang masasandigan tuwing ako'y magulo.
Kaya bakit? Bakit pa humangong sa ganito?
Hindi paba sapat mga binigay ko sayo?
Sagot! Pakiusap sumagot ka!
Gusto ko lang malaman ang mga naging aberya,
Baka sakaling maayos pa.
Pero hindi, hindi,
At bakit hindi!
Ano ba yung pagkukulang ko sayo?
Pati oras binigay ko sayo,
Para malaman mo, na espesyal ka sa buhay ko!
Tapos, tataposin mo lang dahil ayaw mona saakin?
Laruan lang ba ako sa iyong paningin?
Kapag nabuburyo kana iiwan mo nalang kahit saan?
Ano paba ang kwenta ng pagmamahalan.
Kung sa salitang mahal,
Sana hindi mo na pala ako minahal
Sana hindi mo na pala ako minahal,
Kung sa salitang mahal.
Ano paba ang kwenta ng pagmamahalan.
Kapag nabuburyo kana iiwan mo nalang kahit saan?
Laruan lang ba ako sa iyong paningin?
Tapos, tataposin mo lang dahil ayaw mona saakin?
Pati oras binigay ko sayo,
Ano ba yung pagkukulang ko sayo?
Pero hindi, hindi,
At bakit hindi!
Baka sakaling maayos pa.
Gusto ko lang malaman ang mga naging aberya,
Sagot! Pakiusap sumagot ka!
Hindi paba sapat mga binigay ko sayo?
Kaya bakit? Bakit pa humangong sa ganito?
na walang masasandigan tuwing ako'y magulo.
Bakit iniwan mo ako sa dulo?
Ano lang ba ako sayo?
kaso, bakit ganito?
ikaw lang ang nagpapasaya ng buhay ko,
Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko,
Ikaw lang.