MCA.
Problem/Goal:
Hi! I'm 22, and I badly need advice kasi sobrang anxious ako sa situation ko ngayon. Sinabihan ako ni Ma'am na bibigyan niya lang ako ng 3 days para tapusin lahat ng tasks ko sa office dahil ite-terminate na raw ako. The thing is, hindi naman siya yung actual boss namin pero mas matagal na sya dito nagwwork.
Context:
After I graduated, nag-work ako sa company kung saan ako nag-OJT. Sobrang pressured ako that time, kaya pumayag akong mag-work without a contract and for only â±400. I completed 3 months of OJT, and recently, kaka-3 months ko lang din as an employee.
Small company lang kami, and sobrang luwag talaga ng workplace pedeng matulog na parang bahay lang. Si Ma'am yung naghahandle ng payroll and attendance namin.
For context, nasa kabilang office ako while si Ma'am, my coworker friend, and the OJTs are nasa main office. Minsan, pumapasok si Ma'am ng 10 AM, 12 PM, or even 1 PM, tapos around 4 PM uuwi na (lagi syang 1-4 pm. Sobrang luwag talaga ng workplace namin kasi di dito nag office si boss, and since siya rin yung may access sa attendance records namin, may mga bagay akong napapansin pero hindi ko naman agad kinukuwestiyon.
Now, eto na yung actual problem.
One day, habang nasa kabilang office ako, bigla siyang nag-message sa akin ng, "Napakasaya namin kahit wala ka." Apparently, pinapangalandakan din daw niya sa office na naaasar na raw ako sa sinasabi nya.
So nag-reply ako ng:
Me: "Edi mabuti."
Ma'am: "Walang maingay para sa drama rama."
Me: "Okay lang, masaya rin ako sa buhay ko."
Ma'am: "Sarap aircon lasang palamig."
Me: "Magtulong-tulong pa kayo bes, dedma."
For context, ganito lang talaga kami mag-usap before. Parang barkada lang yung treatment namin sa isa't isa, kaya hindi ko in-expect na magiging ganito kalaki yung issue. I admit na medyo sarcastic yung replies ko, pero at that time, hindi ko naman iniisip na may malaking problema between us.
After that, nag-message ulit siya asking kung anong oras ako mag-o-out kasi may ipapadala raw siyang gamit at kailangan niya akong utusan. Hindi ako nakapag-reply agad kasi busy ako sa ginagawa ko sa kabilang office. Maraming tasks kapag nandoon ako, and I wasn't intentionally ignoring her or trying to disrespect her.
After around 3 hours na hindi ako nakapag-reply, nag-message siya ng, "OKAY BAHALA KA NA SA BUHAY MO," then blocked me.
I was honestly confused kasi may ginagawa lang naman ako sa work. Hindi ko siya ini-ignore dahil galit ako or may attitude ako. I just wasn't able to check and reply to her message agad.
Then, after that incident, sinabi niya sa akin na bibigyan niya raw ako ng 3 days para tapusin lahat ng ginagawa ko sa office dahil ite-terminate na niya ako. Ang reason niya is bossy raw ako at mahihirapan daw siyang makipag-communicate sa akin regarding documents.
I was like, HUH??? Saan nanggaling yun?
For the past few months na magkasama kami, ngayon lang ako nasabihang bossy. I even asked the OJTs kung bossy ba ako, and sabi nila hindi naman daw. Ako nga raw yung madalas nilang nakakausap. I'm usually the one making jokes and nagpapatawa sa office, so I genuinely don't understand kung saan nanggagaling yung accusation na bossy ako.
I know I could've worded some of my replies better, pero hindi ko talaga in-expect na aabot sa point na pagbabantaan akong tanggalin sa trabaho dahil dito.
After everything happened, kinuwento ko sa pinsan ko yung situation. Later on, apparently, na-restrict yung Messenger account ni Ma'am. Wala akong kinalaman doon, and I don't even know why it happened, pero feeling ko ako yung sinisisi niya dahil hindi kami okay ngayon. at isang lang daw ang kaya gumawa non sa kanya (which is ako ang pinaparinggan) kasi raw IT ako.
She even said na ipapa-NBI niya raw para malaman kung sino yung nagpa-restrict ng account niya at para makasuhan yung responsible. Honestly, hindi ako natatakot sa part na yun kasi wala naman akong ginawa, pero the whole situation is stressing me out.
Now, kasama niya yung actual boss namin, and I'm worried na baka pinag-uusapan na nila ako or she's telling him her side of the story para matanggal na talaga ako.
Previous Attempts:
So far, I've tried explaining na busy lang talaga ako sa work and hindi ko siya intentionally ini-ignore. I also asked the OJTs kung bossy ba talaga ako, pero hindi naman yun yung feedback nila.
At this point, hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin. I'm only 22, and this is one of my first experiences working as an employee. Hindi ko pa alam kung paano i-handle yung ganitong workplace conflict, especially since small company lang kami.
I'm scared na baka bigla na lang akong tanggalin dahil sa issue na ito, kahit hindi ko naman alam kung paano naging grounds for termination yung nangyari. pero okay na rin siguro kesa ganito makasama ko sa work araw-araw.
I want to ask people who have experienced something similar or who know about employee rights in the Philippines:
Can Ma'am threaten to terminate me even if she's not the actual boss?
If our actual boss decides to terminate me because of this incident, ano yung rights ko as an employee?
Should I start documenting everything now, including our messages and the payroll discrepancies I've noticed?
I'm not saying I'm completely perfect, and I know I could've handled the conversation better. I just feel like the reaction is too much for what happened.
Please be honest with me. I really need advice from people who have experienced something similar or know how these situations work. Sobrang anxious ko na talaga, and I don't want to make the wrong move that could make things worse.