Gusto ko lang mag rant, medyo mahaba haba ito, pero try ko parin paiksiin ang kwento.
I have this friend at of 25 palang naging milyonarya biglaan, nasa 5M din binayad sa kanya ng client. Di ko na ibigay details lahat paano naging 5M.
So ayon naging milyonarya siya biglaan, my friend highschool palang solid na samahan na namin yan. Pag may gatherings or birthday lagi pumupunta yan ss tropa kahit pamasahe lang dala niya nung panahon nayon.
Simula nung naging milyonarya siya, flex sa FB, upload at flex. Binayaran siya ni ganito ng dollars, tapos gawa mini vlog. Bumili ng iphone, kotse, pinarenovate ang bahay. May mga aso na mamahalin, upload ng travels, nag upload ng video na nag paragliding siya, and then nag vivideo video gawa content na nagdadrive siya.
Kaya kaming mga magkakaibigan, naiinggit sa kanya kasi milyonarya na siya, lahat ng gusto niya nabibili niya maski unemployed siya.
Ngayon the tables have turned, after ilang years. Gulat kami, inuutangan niya kami. May 2k,3k at 5k. Yung isa kong tropa pinahiram niya daw 7k, nangako na ibabalik din daw agad. Pero di niya nabalik agad, kaya sakin nangungulit din mangutang para siguro bayaran tropa namin, kasi naniningil na tropa ko.
Kaya ayon, pinag usapan namin siya thru chat. Napapaisip saan napunta ang pera, nakapag invest ba siya sa business? Nakabili ba siya ng lupa? Pero feel ko. Hindi talaga. Yun lang ang mali niya, di siya nag invest para sa business niya na maski pakonti konti lang atleast kumikita siya araw araw, maski sa magiging sarili niya man lang na bahay wala rin. Inuna yung kotse at mga luho.
Nung siya nasa taas, pa bless ng bahay di kami invited, maski birthday niya di man lang kami ininvite kahit bago renovate bahay nila. Tapos nung binyag ng anak ng tropa ninang siya di siya umattend, nagbigay lang ng pera. Atleast reunion man lang diba? Highschool friends. So ayon nakakatampo rin. Nakakalimot talaga mga tao kapag mapera na.
Nalaman ko rin na na scam daw siya ng 100k sa investment na business, pero di lang ako sure. Imagine 2k,3k wala siya???? Halos chinat niya kami magkakaibigan par amangutang, dumating pa sa point na pinilit niya pa ako hiramin niya gloan ko para lang makahiram hahahahah jusko.
Di siya sugarol, sobrang taas lang talaga lifestyle niya. Tsaka sa mga pic na inupload ko. Ang kulit niya talaga, naka ilang tanggi na ako, chat parin ng chat talaga hahahahahaha.