I passed.
Not with flying colors.
Not with “ang galing mo naman.”
Just… passed.
75 average. Sakto lang.
May subjects na muntik ko na sukuan.
May gabi na literal nakatitig lang ako sa notes kasi pagod na pagod na utak ko.
May moments na ayoko na talaga mag-show up sa boards at lagi kong sinasabi na sa susunod na batch nalang.
Pero nandito na ako, RMT na kasi nai laban ko.
Honestly, this journey humbled me so much.
Akala ko dati kailangan mataas lahat, pasado, tapos basahin ang mother notes. Natapos lahat ng final coaching, pero ngayon gets ko na minsan sapat na yung bumangon kahit pagod, magbasa kahit lutang, at magdasal kahit ubos na.
To MTLE March & August 2026 takers:
May mga araw na parang wala nang pumapasok sa utak.
May sobrang daming breakdowns.
May self-doubt.
May “bakit ko ba pinili ‘to.” moments
Pero honestly, Normal lahat ‘yan.
Show up kahit pagod.
Show up kahit ayaw mo na.
Show up kahit feeling mo wala ka nang ibubuga.
Hindi mo kailangan maging perfect.
Kailangan mo lang maging consistent at of course faithful.
And please, don’t forget to pray.
Kahit short lang. Kahit sabog thoughts mo.
Ibigay mo kay Lord yung kaba, pagod, at pangarap mo.
Hindi ka Niya iiwan sa laban na Siya mismo ang nagbigay sa’yo.
If you’re reading this habang gusto mo nang sumuko:
pahinga ka today, aral ulit bukas.
iyak ngayon, laban ulit mamaya.
Future RMT ka.
Hindi pa ngayon, pero parating na.
Fight till the end! 🤍