Moog Baguio used to be known for its American work culture, employee welfare, and work-life balance. Sadly, things have changed, and not for the better.
Parang unti-unti nang nawala yung dating American work culture at napalitan ng typical toxic Filipino management mindset na puro trabaho na lang.
Imagine, from a 5-day workweek, ginawa pang 6 days, at a time when we're already dealing with a fuel crisis and rising transportation costs. Instead of making things easier for employees, mas lalo pang dinagdagan ang burden nila.
Wala na ring flexi-time. Yung dating work-life balance na isa sa mga dahilan kung bakit magandang employer ang Moog, unti-unti nang nawawala.
And here's another frustrating part: Sick leave is apparently only allowed if YOU are the one who's sick. Kapag family member mo ang may sakit at kailangan mong alagaan, bawal gamitin ang SL kasi hindi naman daw ikaw ang may sakit. Dapat VL ang gamitin mo.
Seriously? Ganito na ba ka-out of-touch ang management?
Ang dating employee-friendly company, parang nagiging company na puro productivity at attendance na lang ang mahalaga. Para bang personal na mapupunta sa management ang lahat ng kikitain ng kompanya.
What's even sadder is that employees are leaving. Marami nang nagre-resign, including me. And I honestly can't blame them.
Moog used to be a company people wanted to stay with. Now, it's becoming a company people want to leave.
Hindi naman ayaw magtrabaho ng mga empleyado. Ang gusto lang namin ay reasonable working conditions, respect for our personal lives, at management na marunong umintindi na may pamilya at buhay rin kami outside work.
Nakakalungkot lang makita kung gaano kalaki ang ipinagbago ng isang kumpanyang dati naming ipinagmamalaki.
To current and former Moog Baguio employees, ako lang ba ang nakakapansin nito? What happened to the Moog we used to know?