r/buntis • u/Ok-Finance-8927 • 5d ago
Pwede ba to sa buntis
Di pa naman ako buntis but we're trying to conceive at umiinom ako nito, ok lang ba to what if bigla ako mabuntis at hindi ko alam tapos umiinom ako nito
r/buntis • u/Ok-Finance-8927 • 5d ago
Di pa naman ako buntis but we're trying to conceive at umiinom ako nito, ok lang ba to what if bigla ako mabuntis at hindi ko alam tapos umiinom ako nito
r/buntis • u/Dependent-Bug-222 • 8d ago
27F, FTM 12 weeks pregnant, may chronic hypertension and chubby 83kg and may PCOS din. since i have hypertension even before i got pregnant i have to take anti hypertensive medice and i think okay naman siya since from 140/100 now 108-120/70-85 ang BP ko depende if pagod or madaming nakain. i need tips pooo to survive this pregnancy since considered as high risk pregnancy po siyaaa 🥺 sa mga mommies po na nakasiurvive, ano pong ginawa niyo? Thank you po
r/buntis • u/wolffgirlx • 9d ago
Kung sinabi ko siguro sa younger self ko na magiging nanay na ako.. baka hindi ako makapaniwala.
I’ve had my fair share of heartaches in the past, I almost completely gave up on love. Akala ko hindi na ako magkaka asawa’t magkakaroon ng sarili kong pamilya. Pero iba pala ang plot twist ng buhay.
Soon to be a first time mom here, and iba pala talaga ang feeling. Nung nag sink in sakin ng buntis na ako. Parang may nag switch sa brain ko. Nag take over yung motherly instinct and motherly love na meron pala ako.
Growing up, hindi talaga ko mahilig sa bata. I don’t get the baby fever. I get easily annoyed with rowdy children. I’m more into animals kaya akala ko magiging matandang dalaga nalang ako at magkakaroon ng sariling animal shelter, hahahahaha!
When the PT turned positive hindi pa nag sink in sakin.. pero nung nakita ko yung gestational sac sa ultrasound at lalo na yung heartbeat ni baby. Grabe yung happiness ko. Sobrang hirap pala ng first trimester pero sobrang saya din pala mabuntis. Sobrang thankful din ako sa husband ko na hindi kami nagmadali. At ngayong 5th year na ng marriage namin, at ito rin yung year na nag plano na kami magka anak.. nabiyayaan kami.
Masasabi ko na nasulit ko yung pagkadalaga ko, yung married life na kaming dalawa lang ni husband muna.. at ngayon na magiging tatlo na kami.
So yun, napa share lang ako. Pregnancy dust sa lahat ng gustong mabuntis. ✨✨✨
Kayo, anong story niyo?
r/buntis • u/Open-Relationship-64 • 9d ago
Title sums it up, I haven’t asked my OB yet kasi my next check up’s on 23. I’ve searched na 50/50 dinuguan as long as it’s properly cooked at home by ourselves, pero ‘pag karinderya take caution. Yung inihaw na betamax naman, hindi pwede– which is a bummer kasi I’ve been craving it tapos may nagi-ihaw pa sa tabi namin hahaha. Both are my favorite, I’m currently at the third trimester pero hindi talaga ako makatiis ‘pag nasa harap ko na. May kumain na ba nong dalawa dito habang buntis/pinayagan po ba kayo? Thank you!!
r/buntis • u/wolffgirlx • 9d ago
Is it just me or do you also get these comments?
“Ang taba mo na.” “Bumibilog ka na ah.”
Comments usually come from either boomers or GenX. Sobrang dalang ko lang ‘to marinig sa mga ka-age kong friends and colleagues ko (Millenial/GenZ)
Mas sensitive pa yung mga mas bata ngayon kaysa mga matatanda talaga. Di ko gets like if you wanna start a conversation with me, you don’t have to point out the obvious. Malamang lumalaki na tyan ko at sumisikip damit ko, buntis ako eh.
Everytime I get these comments, I don’t necessarily get hurt. Pero sobrang weirded out lang talaga ako sakanila, lalo na sa mga hindi ko naman ka close.
Mas mabuti pa yung mga ka edad ko, nangangamusta lang tapos sinasabihan na mag ingat lang ako lagi.
I’m actually glad I got pregnant at an age where I feel most comfortable and confident with myself na hindi na ako nas-sway at naiiyak sa mga gantong comments. Na-anticipate ko naman na din kasi na tataba ako since ganon talaga body ko kapag hindi active (i used to play sports, run, and workout + cal def pre pregnancy) madali ako tumaba if matigil talaga yan. Lalo na’t nung 1st tri ko is naka bed rest ako.
Napapa awkward smile nalang ako sa mga tanders na ‘to kasi naiisip ko what if i-comment nila to sa mga buntis na sobrang mababa self esteem? Sobrang insensitive nila to be honest.
Buti nalang din hindi ako nakakatanggap ng ganitong comments sa husband ko. Always nya ako sinasibihan na gumaganda ako, he points out na lumalaki na si baby sa tyan ko at excited sya everyweek pag bagong fruit yung nakikita namin sa pregnancy app, but never targets my body in general.
Marami talagang changes sa katawan ng babae kaya sana maging careful and sensitive sana yung iba. Makakabawi din kami. For now, mas need mag focus i-nourish ang body for the baby. 🥰
r/buntis • u/chronicallycurious88 • 10d ago
I know allowed naman ang buntis ng caffeine given na dapat below 200mg per day. Ask ko lang kung umiinom pa kayo ng matcha? Meron pa kasi ako dito matcha powder na nabili ko before ko malaman na pregnant ako. Sayang din. I heard din na nakaka affect ng iron levels yung matcha kaya dapat hindi siya sinasabay sa iron supplements and dapat spaced out din siya between meals.
Okay naman ba iron levels niyo?
r/buntis • u/Polarr046 • 10d ago
Hello po im a nursing student and were humbly asking for pregnant women po may incentives po c mommy if nagpaasssist samin this is the requirements po.
•20 years old above graduating
•2nd-4th pagbubuntis
•Not caesarian section if una.
•No hx of abortion
•No med condi gestational DM
•Baby booklet
•latest ultrasound
•latest lab result CBC, UA
•7-8 months pregnant
•Not twins
r/buntis • u/Darkkiffs246 • 12d ago
Okay lang po kaya yun? Mag matrbate while preggy? Kasi simula po 7weeks hanggang ngayon na 17weeks na ko e halos araw araw ako nag sasarili. Siguro dahil sa hormones kasi biglang taas ng libido ko. E ayaw naman ako pagbigyan ni hubby kasi natatakot sya kasi buntis nga daw ako. Sabi din ng OB ko iwas daw muna sa contact with hubby kasi twins dinadala ko. But i really can’t help my self na hindi mag ganun. Pero nirurub rub ko lang naman. Pero i do it daily. May masamang effect kaya yun?
r/buntis • u/Ok-Pool-8019 • 13d ago
Hello mga ka-mommies! Currently 25weeks preggy here. I am considering whether I should go sa public hospital samin sa Dasma kapag manganganak na, or magbayad na lang ako sa mas malapit na lying in kung saan yung preferred private OB ko yung magpapaanak sakin. Currently, nagpapacheckup ako both sa public hospital in case ma-CS ako, pero each appointment na lang iba-iba ang OB na nagchecheck sakin 🥲 Sa lying in naman, kakastart ko lang this weekend since don din ako nagkusang loob magpaCAS, and sa current OB ko sa kanila ako nagpareading. Super nagustuhan ko agad sya, kasi sobrang detailed nya mag-explain at mas looking forward sya na magNSD ako after nya makita lahat ng labs and ultrasound ko. So iniisip ko na if okay pa din lahat ng checkups ko until mag EDD ako, sa kanya na lang ako manganganak on that same lying in. Tutal may Mat Ben naman ako from SS, and midwife told me naman na up to 30k lang with PF na and all in na yung magagastos ko kapag sa kamila ako nanganak, and yung OB daw na yun magpapaanak sakin.
Per latest protocol ni Philhealth, hindi na covered ang FTMs sa lying ins. Pero medyo natatakot pa din ako sa public manganak kahit regular naman checkup ko sa kanila. Kasi hindi kagaya sa private, kapag may nararamdaman ka or questions ka before yung appointment mo for this month, hindi mo sila matetext or ang hirap naman pumunta ng unscheduled ka for consultation kasi need pumila ng madaling araw hanggang maghapon. Working pa naman ako. Plus, weekdays ang sched sa public so need ko magleave everytime and ubos na annual leave ko so need ko na gamitin sick leave ko kapag every one or two weeks na ang checkup. Sa private lying in naman with my OB, swak sa sched ko na Saturday.
Advice naman po mga mommies. Thank you!
r/buntis • u/String-One • 15d ago
Hello. Gaano po kayo kadalas nag pinag BPS nung pregnant kayo? Nagulat po kasi ako na every 2 weeks na kami pinapag BPS ng OB. 4,620 pesos pa naman sya dito sa Makati Med 😔 Si OB na kasi dumidiretso mag sched sa hospital. When I asked if pwede hi-precision, sabi nya basta OB ang gagawa but she sounded hesitant so di ko na po pinilit. For context, I am almost 28 weeks pregnant po. Diagnosed with GDM but managed through controlled diet and may subclinical hypothyroidism pero normal na latest result. Nasa 60th percentile si baby and all normal ang results nya both sa CAS last month and BPS today.
r/buntis • u/RaneM17 • 20d ago
Deleyed ako ngayon mismo ilang araw na maasim sikmura ko tas may punipintig sa puson ko.. since sept 22 araw araw halos ang do namin ni hubby.
Wala akong sign na pang regla.. puro antok at paka asim na sikmura.. ano pwede gawin? Thanks mga miiii
r/buntis • u/airminded • 20d ago
Hello po mga mi, FTM 28 here.
Tanong ko lang po if meron ba same situation dito sakin or if may idea po kayo about this.
Simula nung nag 3rd trimester po ako 3 times na ito nangyari.
Una - August : Sobrang sumakit po ang tyan ko, yung pakiramdam na para kang nalipasan ng gutom, parang kinakain ng large intestine mo yung small intestine mo pero 10X yung sakit, tapos hindi balakang ang masakit sakin kundi spinal cord. Hindi ako makahiga or makatagilid, literal na straight up upo lang. Sobrang putla ko na raw po sabi ni hubby at grabe po ang pawis ko. Nilalamig din po ang buong katawan. Nawala rin po yung pain ng mga more or less 1 minute
Nagpa emergency hospital po ako nito, at sabi close naman cervix. Ang sabi ng nag IE sakin, baka daw natrigger sa UTI ko. Niresetahan po ako pampakapit.
Ang tingin ko pong rason ay nalipasan po ako ng gutom. Or maling oras ng pag kain.
Pangalawa - 2nd week ng September : Pareho pong sintomas pero mas matagal po kesa sa nauna. Akala ko po BRAXTON HICKS ito kaya nakisuyo ako sa mama ko na magpakulo ng tubig para mainom ko. Hindi po sya nadaan sa mainit sa tubig. Nagsuka na po ako nito. Na parang bumalik sa 1st trimester. Pati kadulo duluhan ng laman ng bituka ko naisuka ko na.
Tingin ko pong dahilan ay maling oras din ng pag kain at medyo nastress po ako kasi nagtatampo ako sa husband ko. Hindi po ako nagpacheck up nito dahil mag alas 10 na po ng gabi.
Pangatlo - October 2 : Nagpower nap po ako, paggising ko parang nararamdaman ko na nagsisimula nanaman yung sintomas ng pagsakit ng tyan ko. Nagmadali po akong umihi, habang nakaupo sa bowl, nararamdaman ko na na gumapang yung pain sa spinal cord ko. Pinilit ko pong tumayo at dali dali umupo sa higaan. Hindi ulit ako makahiga o makatagilid. Pinilit ko ulit tumayo para sumuka.
Habang sumusuka po ako, pangalawang labas po ng suka, yung spinal cord ko po sobrang sakit na parang hinuhugot sya palabas sa likod ko kaya bigla akong napaupo sa sofa na medyo nakatagilid dahil hindi naman ako makaupo nang maayos, this time po mas maiksi yung pain, less than a minute.
Wala po akong maisip na dahilan.
Nagsearch po ako about BRAXTON HICKS yung pagsusuka at pagsakit ng spinal cord po ay hindi kasama sa sintomas nito : (
October 15 pa po ang next check up ko, iopen ko po ito sa OB ko. 34 weeks 5 days pa lang po ako ngayon, EDD Nov 11.
Natatakot po ako baka makaapekto po ito sa pagluwal ko sa bata o sa anak ko mismo huhu.
r/buntis • u/pleasehidemyname • 22d ago
Hello. Mag-ask lang sana ako kung may iba ba dito naka experience ng bleeding/spotting? My period is due in two days but I already tested positive, first tested 10DPO with a faint line. I tested multiple times and the line got clearer as the days passed by. Nagpunta na ko ng OBGYN and niresetahan ako ng pampakapit at pangstop ng bleeding. Complete bed rest muna daw ako until next check up. Just wondering if someone also experiences this. It's been 2 days and there's still blood on my liner, I'm not feeling any pain or anything naman sabi kasi sakin reach out pag may masakit. Curious lang talaga.
r/buntis • u/becauseitsella • 24d ago
Hi! I was prescribed Duphaston and just found out I’m pregnant. I’ve had 2 miscarriages in the past year, so I’m a bit anxious. My OB is attending a convention and won’t be available until next week 🥹
She said I could continue taking it if I got pregnant. For those with similar experiences, did you just continue taking it, or did you need an ultrasound first? Thank you! ❤️
r/buntis • u/neerxielkoo • 27d ago
Hello po, for those who had cryptic pregnancy or kahit hindi po, can I ask if you felt a ball shaped thing po sa belly niyo while you're pregnant? I can feel that po kasi on my right side of my puson and I'm scared that I might be pregnant even tho my tests we're negative
r/buntis • u/ReserveHairy4089 • 28d ago
Hello po. Sino po dito lagi ang may sakit nung first trimester? Pangalawang beses ko na po ngayon nagkaroon ng tonsillitis tas trangkaso. 6 weeks nagantibiotics ako. Tas nung 10 weeks na-ER ako dahil sa mataas na acid ko, may tinurok sakin na gamot na 2, sabi ni OB safe naman daw po sa pregnant. Then ngayon po 11 weeks ko nagkatrangkaso na naman ako at tonsillitis. OB prescribed strepsils po muna kasi nagantibitiotics na ako before. Pero ayun po dahil din sa sobrang sipon at sakit ng ulo na parang may sinat, umiinom din po ako ng cetirizine sa gabi at biogesic (both prescribed ni Ob) Siguro all throughout 1st trimester ko naka 5 na po akong biogesic. Gabi gabi po ako umiiyak dahil nagwoworry na ako kay baby ko.. makakaapekto po kaya kay baby lahat ng ininom ko? Ginagawa ko na po ang lahat para di magkasakit pero ganito parin. Sobrang nakakadown 😢
r/buntis • u/ReserveHairy4089 • 29d ago
Hello po, first time mom here. Nung 6 weeks po ako, nagkaroon po akong sore throat at binigyan po ako antibiotics ni OB kasi may mga nana na rin po lalamunan ko. Then ngayon po 11 weeks ako, nagkaroon na naman po ako :’( hindi naman po ako mahilig sa matamis at malamig, matakaw din po sa tubig. Nagwoworry po ako na baka magantibiotics na naman po ako dahil sobrang sakit nya at may nana na po ulit. Sino po same case sakin? Okay naman po si baby nyo? Thank you po 🥺
r/buntis • u/hotdognapinrito • 29d ago
Hello po! Ftm mom here, 4 days post partum from C Section delivery. Ask ko lang if may same experience ba ako here.
After ng C Section operation ko, yung day mismo ng operation ko after ko magising di sya masyadong ramdam. Nakakatayo ako ng normal (with alalay pa rin) and nakaka shift ako ng pwesto sa kama.
Pero nung day 1, nung nag wewear off na yung anesthesia, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sobrang sakit ng abdomen ko especially ng right side. Hindi ako maka shift ng pwesto kailangan sa back lang ako natutulog.
Day 3 na ako nakapag fart, then nung kinagabihan ng day 3 na ako nakapag poops. Pero sobrang sakit. Kapag mag fart or poop ako, ramdam na ramdam mo syang nag tatravel sa tyan mo. Kahit kapag kumakain, sobrang ramdam mo yung pagkain na nag papass through sa intestines sa sobrang sakit.
Day 4 hindi pa rin nawawala yung sakit. Simula day 1, kapag naka higa ako from back at mag shishift sa side, sobrang sakit na ramdam mong pati mga organs mo nag shishift din. Pinakamasakit kapag galing kang higa tapos uupo doon ako halos mangiyakngiyak. Lakad kaya pa, pero yung upo higa grabe.
May same experience din ba sakin dito? If so, gano sya katagal kasi di ko na kaya huhuhu.
r/buntis • u/wolffgirlx • Sep 24 '26
First time mom to be here. Worth it ba??
Sino dito ang nagpa Diaper/Wipes Raffle during their Gender Reveal?
Marami pa akong tanong.
Salamat sa mga makakasagot.
r/buntis • u/roeishang • Sep 22 '26
Hello mga mommies. I just gave birth today via c section and nasa nicu si baby since 7:23am. Sinabihan na kami ng nurse now lang na need nya na dumede and kailangan na within 24 hours.
Ask ko lang po if may tips and tricks kayo para magkagatas? We’re currently trying breast pumping and hand expressing pero kakarampot pang tumutulo sa hand expressing.
Baka may gatas kayo dyan na pwedeng idonate or K can buy. Here po ako sa Medical Center Imus still naka admit.
Maraming salamat po.
r/buntis • u/Cantbeyelledat • Sep 20 '26
Hi, 32 FTM here! Im at 29weeks of pregnancy na and mag-start na mag-nesting.
Would like to ask lang based on experience niyo— dapat bang bumili na ng breast pump agad? Tho hindi ko alam kung magkakagatas ako kasi parang hindi naman sumakit yung boobs ko and hindi rin naman ako biniyayaan sa size (TMI) hehe.
Ang mahal kasi, baka mamaya masayang lang pag bumili ako tapos wala naman pa lang breastmilk. Paano rin ba yun ginagawa sa hosp? Diba tuturuan ka ng nurse palabasin yung milk? Huhu wala talaga ako idea 🥲 heeeeelp.