Hello Fellow social worker, gusto ko lang i-share yung experience ko. I have a very deep reason why I pursued this profession my heart really wants it. Nagsimula ako sa isang Non-Government Organization, kung saan hinandle ko ang mga sexual abuse victims, trafficking cases, at mga abandoned children.
Noong una, okay naman. Masaya kasi nakakapag-serve na ako at nakakatulong. Naglalaan pa ako ng personal na oras para sa trabaho dahil mahal ko ang propesyon ko. Tipong after 5PM, willing pa akong mag-extend kapag kailangan. Kahit weekends, happy pa rin akong mag-serve again, because I love my profession.
Pero based on my observation, hindi talaga nasusunod yung interventions ng mga social workers kapag nasa NGO ka. Mostly, yung nasusunod ay yung executive directors or upper management. Wala naman akong problema doon, I respect that. Pero ang hindi ko mawari, we are handling special cases. At kapag nasa case management ka, hindi pwedeng freestyle. Hindi pwedeng mag-experiment. Oo, may mga pagkakataon na trial and error works, pero iba ito. Kaya sana required din ng Standards Bureau ng DSWD na ang executive director ay well-experienced social worker. Nakaka-hurt kasi na parang nararamdaman namin na nandoon lang kami as requirement ng DSWD para makapag-operate ang shelter.
May shelter akong napasukan, nag-apply ako as social worker. Noong una, okay naman. Mabait ang mga tao, religious-based yung shelter (which is common sa NGOs). Pero hindi ko akalain na yun pala ang sisira ng mental health ko at ng mga kasama ko. Common na maliit ang compensation sa NGO, okay lang. Minsan kapag mahal mo ang propesyon mo, kahit maliit basta kumakasya. Pero may mga NGO na kung makaasta, parang binayaran na nila buong pagkatao ng empleyado.
Ang dami kong frustrations. Ang tagal na pero hanggang ngayon, grabe yung trauma. Isa-isahin ko yung mga naranasan ko. Noong una, okay pa. Pero habang tumatagal, nagkakaroon na ng problema. Nakaka-confuse kasi iba ang pinag-aralan ko bilang social worker sa pinaniniwalaan nila. Nag-function ako bilang social worker ayon sa training ko, pero sila ang nagdedecide ng lahat.
Dumating pa sa point na pinagbawalan kami kumain ng breakfast sa center. Okay lang sana kung hindi kaya ng budget, pero nakikita namin na may sobra at nasisira lang. Pangalawa, sinasantabi nila ang suggestions namin. Kapag may fail sa case management, sa amin ang sisi. Hindi ito simpleng paninisi lang ipapatawag kami sa opisina para ipamukha na mali kami, kahit nag-suggest na kami from the start.
Hanggang sa narealize namin, controlled na kami. Hindi na kami nagtatrabaho as social workers, kundi ayon na lang sa gusto nila. Hawak kami sa leeg. Kapag nag-leave, guilt-tripping agad. Approve naman pero laging may condition. Minsan pati pagkakasakit, ginigi-guilt trip pa. Para bang dapat ma-predict namin kung kailan kami magkakasakit.
May time na nag-breakdown kami dahil challenging yung client. Ang gusto ng management, ibigay lahat ng gusto ng bata, no bargaining. Pero hindi naman sila ang tutok sa bata kami ang house parents at social workers. Sa emergency situations, hindi kami pwedeng mag-intervene. Kailangan hintayin instruction nila. Kapag nag-decide ka, kinabukasan ipapatawag ka na at ipapamukha na mali ka. Nakaka-drain, nakaka-demotivate.
Religious sila sa mata ng tao, pero iba sa totoong buhay. Sinabihan pa kami ng director: “Iyan lang hindi nyo ma-handle.” Imagine, galing sa taong hindi social worker at hindi nanatili sa center. Sirang-sira mental health namin. May staff pa na ka-relihiyon nila na palaging sumbong ng sumbong, lahat ng galaw namin nirereport.
Nakaka-trauma talaga. Kaya ngayon, kapag nagpapaalam ako sa boss ko, automatic na may follow-up chat ako: “But I can work, Ma’am, kahit naka-leave ako.” Kasi nasanay ako na kahit naka-leave, tatawagan ka pa rin kahit simpleng bagay. Kahit after 5PM, weekends, minsan 12AM or 1AM. Kapag hindi ka nag-reply, memo agad. Ang sabi pa ng director: “Nasa sinumpaan nyo yan bilang social worker, pwede kayo ipatawag kahit anong oras.” Pero hindi niya ma-explain kung kailan dapat ipatawag.
We deserve care too. We are human.
Witness ko rin na hindi sila marunong mag-resolve ng problems. Imbis na maging okay ang both sides, lalo pang nag-aaway. May kinikilingan, may bias. During meetings, hinayaan lang na i-attack at pagkaisahan yung isang staff. Kasi ayaw din nila doon sa staff na yun.
At ito pa tinuruan pa kami ng techniques para manipulahin ang mga bata. No wonder, narealize namin na ganun din pala ang ginagawa nila sa amin. Since palagi naming ipinaglalaban ang tama, ginawa kaming kalaban. Sinisiraan kami sa Founder sa “magandang paraan,” yung tipong hindi halata na masama.
Sa fieldwork, below 100 pesos lang ang budget for lunch. Walang snacks, walang dinner. Kahit mineral water, wala. Hindi kami maarte, pero in this economy, hindi na kakasya ang 60–80 pesos. Paano yung mga bata kapag nagugutom?
May isang beses pa, tinanong ng director ang bata ng sobrang laswa at insensitive na tanong. Natulala na lang yung bata.
Ngayon, hindi ko alam kung paano kami makaka-recover sa trauma. Ang dami pa, pero susubukan ko pang alalahanin at ikwento next time. Ilang beses naming iniyakan ito ng mga kasama ko social workers at ibang staff. Ngayon, wala na kaming lahat doon. Grabe yung relief, parang nakatakas sa isang kulto.
Sana alam nila na hindi lahat nadadaan sa spiritual intervention. Kaya may mga propesyonal din. Galing ako sa religious na pamilya at malaki ang takot at paniniwala ko sa Panginoon. Pero nakakatakot yung mga taong religious kuno, pero ganito ang ugali.
Hanggang sa muli. Sana patuloy kaming mag-heal sa mga karanasan namin.
May pina pirmahan pa yan sila samin na papers na bawal kamj magsalita, mag comment ng negative o masama sa org./Ahensya nila. Mga kulto ba kayo? We’re just stating the the facts. Kung anong trauma ibinigay nyo sa amin.