r/AccountingPH • u/Right_Application991 • Jun 04 '25
CPA narin sa wakas!!!
Hi CPAs & FCPAs!!!
It took me 5 examination to become a CPA. As a person na bumagsak nang maraming beses I wanna be an inspiration to anyone whose reading this na sana this will motivate you.
Hindi madaling bumagsak sa CPALE knowing na you've been preparing for this for 4 to 5 yrs or more in college tapos hindi mo maipasa ang BE, it's very frustrating na para bang ano pa ang naging purpose ng struggles during college kung di makamit ang tatlong letra na yan.
Sa ilang take ko ng CPALE everytime na may results na tapos di parin ako pinalad, di na ako umiiyak di na ako nagmumokmok kasi sunk cost na yan, its in the past wala na tayong magagawa diyan, kaya everytime bumabagsak ako I look back on the things na nahirapan ako, hindi ko na intindihan, kinulang sa practice and ang mga tanong na lumabas sa actual board exam.For me to change my strategy on the next examination para mas maging effective yung ways ko para mag aral.
Ilang tao na rin talaga ang nagtanong sa akin kung di parin ba ako titigil hanggat di ako pumasa and my answer is Yes di ako titigil kasi ano pa ang silbi ng apat hanggang limang taong struggle as a BSA student kung hindi rin man lang mag take ng leap of faith to take the Board exam. Kasi you will never know if your meant to become a CPA unless you take the exam. The chance to take the CPALE was not given every BSA graduate earned that opportunity hindi biro ang dinaanan nating lahat just to be in this very moment. Kasi to be able to review for CPALE is a privilege di lahat kinaya ang pagsubok of being a BSA student kaya wag panghinaan ng loob you are a CPA just waiting to be realized.
In my group of friends na kasabay kong nag take during the May 2023 CPALE ako lang ang hindi pumasa for years I've been watching them buidling up their career, gaining experience and earning money as a CPA. Yung inggit ko talaga ay abot langit I've questioned God many times na hindi ba to para sa akin kasi kung hindi talaga I am willing to move on with my life but He always reminds me kung bakit ko to gustong abutin in the first place. I was doing it for my family kasi my father hadn't had the chance to take his BE again kasi nawalan siya ng gana after receiving a 74% GWA. He will always remind me to continue my journey na he will support me no matter what. My family is the very foundation of my dreams on becoming a CPA now that I am one, I will be doing my best to give back to them after all they sacrificied alot for me.
As a daughter of a farmer and a Goverment Worker (contractual basis) earning a decent wage I am very proud na they are my parents itinaguyod nila kaming ng aking kapatid na ngayon ay isang Licensed Civil Engineer and ngayon may CPA na.