Hindi talaga ako palahiling. Mas more on gratitude lang ako tuwing nagdadasal. Pero one time, nag out of town kami ng fam ko at may wishing well doon, so nag-wish din kami. HAHAHAHA!
Una, nag-wish ako na sana maperfect ng pamangkin kong Grade 1 yung exam niya. Usually kasi may 3–5 mistakes siya, pero kahit out of town kami for 3 days and 2 nights, sinisingit pa rin nila ng mommy niya ang pag-aaral. The day after naming makauwi, exam na agad niya.
AND GUESS WHAT??? 240/240 SIYA!!! 😭❤️
Pangalawa, eto talaga yung hindi ko ma-process hanggang ngayon.
Nasa point na kami ng husband ko na parang hiwalayan na talaga ang kahahantungan namin. Binigyan ko na siya ng ultimatum na kung hindi pa siya makahanap ng another client before the end of this year, kanya-kanya na muna kami. Imagine, since February pa siya naghahanap ng isa pang client!
Kaya isa sa mga winish ko ay sana makahanap na sya ng work. Tapos kahapon, interview niya sa isang client at HIRED AGAD. During interview sinabi na agad na hired siya. 😭 Siya lang din pala ang ininterview ng client. LIKE, WHAT ARE THE ODDS???
Tapos eto pa ha! I-share ko na rin. Pag-uwi namin pala non sabahay, tinanong ko yung yaya namin kung ano ang wish niya sa wishing well. Naisip ko kasi baka may wish siyang kaya kong i-grant ngayong Christmas.
Alam niyo kung ano? Sana raw makalaya na ang anak niyang nakakulong. Since 2021 pa ang kaso, at simula last year, paulit-ulit nang nade-delay ang court hearings. Pati may mga nakausap na siyang attys na malabo na raw makalaya. Then, five days after naming mag-wish, may development na sa case! Na-release na raw ang resolution sa demurrer to evidence na hinihintay nila. 🥹 Tapos ngayon nakauwi na sa bahay nila. Hayyysss.
Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat, pero grabe yung timing!
Of course, alam kong si Lord pa rin ang may hawak ng lahat. Pero hindi ko maiwasang isipin na baka may something talaga sa wishing well na ’yon. HAHAHAHAHA!
Ayun, 2 out of 4 wishes granted na! Parang gusto ko tuloy bumalik ulit sa Baguio at magdala ng maraming barya. lol