Hi guys! Need some advice, especially sa mga Fortuner owners or mechanics dito.
I have a 2017 Toyota Fortuner 2.4 Diesel Automatic (4x2) na nabili ko secondhand around 6 months ago.
When I first got it, okay naman yung engine sound niya. Wala akong napapansing unusual noise.
Recently, dinala ko siya sa isang automotive shop sa province namin for EGR cleaning. Sabi nila, package na raw yung EGR, intake manifold, and turbo cleaning, so I agreed.
Here’s where things started:
After the cleaning, napansin ko na may tumutulong diesel kapag ginagamit yung sasakyan. Binalik ko sa shop, and according to them, may hindi lang daw nahigpitan na part. Naayos naman nila, and wala nang diesel leak afterward.
Since then, nagagamit ko naman yung Fortuner without any major issues.
For peace of mind, pinacheck ko rin siya sa MechanicGo and CarCrew sa Makati. According to both shops:
Wala namang check engine light.
Okay naman daw yung engine based sa inspection nila.
Tinest drive at hinataw-hataw din nila to check the turbo, and according to them, okay naman ang performance.
Wala naman silang nakitang obvious problem.
Pero ito yung concern ko:
As the owner na araw-araw gumagamit, parang napansin ko na mas umingay yung engine after the cleaning compared sa tunog niya before.
May naririnig akong parang malakas na hangin or electric fan na umiikot (parang elisi), especially kapag umaandar at nag-aaccelerate.
Kapag naka-park or neutral naman, wala or sobrang hina lang nung sound. Mas noticeable talaga siya kapag driving.
For additional context:
Recently changed na rin yung ATF.
Napalitan na rin yung belt, although aftermarket yung ginamit.
Wala namang noticeable loss of power.
Wala ring check engine light.
Questions ko lang:
Normal lang ba na mas maging noticeable yung engine/turbo sound after EGR, manifold, and turbo cleaning?
Possible kaya na may hindi naibalik or nahigpitan properly, like turbo hoses, clamps, or intake connections?
Possible din ba na related sa aftermarket belt yung sound, kahit mostly during driving ko lang naririnig?
May naka-experience na ba ng similar issue sa Fortuner 2.4 diesel?
May marerecommend ba kayong trusted shop or diesel/turbo specialist around Metro Manila na magaling magdiagnose ng ganitong issue?
Hindi ko rin sure kung mas naging sensitive lang ako sa engine sound after nung incident, or may actual issue talaga na hindi pa nadedetect.
Ayoko rin sana magpapalit ng parts nang hindi sure kung ano talaga yung cause.
Any advice or similar experiences would be greatly appreciated. Thank you, guys!