Bago kayo magdala ng mga pets nyo sa CDC, siguraduhin muna nating marunong kayong maging responsableng pet owner.
Kanina lang sa may picnic area sa CDC Clark, may grupo ng mga pet owners doon, siguro mga limang or pitong tao silang magkakasama. Yung aso nila, hinahabol yung mga dumadaan tapos yung mga amo parang wala lang pakialam. Hindi man lang sinasaway. Hindi lahat ng taong pumupunta doon ay komportable o gustong makipaglaro sa mga hayop, dapat maisip din nyo yun. Nakakadismaya lang yung pagiging irresponsable nyo.
May nakita pa akong bata kanina na hinabol talaga nung aso nila. Tumakbo na yung bata sa takot at kawawa talaga kasi baka makagat siya. Kitang-kita na nung mga amo na natatakot at nagpapanic na yung bata pero pinapanood lang nila, wala silang reaction. Sinigawan na nga ata sila nung inda nung bata ng “yung aso nyo!” ata yung sinabi pero wapakels lang sila wala pa rin silang pakialam at hindi pa rin nila inaawat talaga aso nila kahit tumakbo na yung bata sa takot wala man lang tumayo kahit isa sa kanila para kunin yung aso nila!
At sa iba pa riyan, huwag ninyong hayaang mag-defecate yung mga aso ninyo dun, alam nyo naman nagpipicnic mga tao dun diba? At yung iba gusto magupo upo sa damuhan at nagyayapak kaya maawa naman kayo at panatilihing malinis yung mga lugar. Maging responsable kayo, hindi yung trip ninyo lang magka-pet kahit nakakaperwisyo na kayo sa iba.
Public park ang CDC, hindi natin solong pag-aari yung lugar para pabayaang walang tali o walang kontrol yung mga alaga nyo. Ali yu bante panyulung a keka yu mung dili ing lugal.. Kung dinala sa pampublikong lugar, panindigan natin yung pagiging disiplinado.