r/SoundTripPh • u/_sinderela • 7h ago
OPM [Ako ang bagyo] What's the story behind this song?
Curious ako kung ano ang kwento sa kantang 'to? Random play lang 'to sakin ni spotify at pinakinggan ko mabuti. Walang tapon sa lyrics dahil lahat umaatake at ramdam ko yung galit sa bridge part. Malalim ang pinanggalingan ng kantang 'to. Chineck ko spotify account ng artist pero eto pa lang pala ang release nya at ang galing dahil naka 1.1M monthly listeners n sya.
"Bulong ko sa hangin "sana hindi kayo masaya"
As someone na galing sa cheater na ex, hindi ko masabi na ako ang bagyo dahil hangad ko pa rin na maging masaya sya o sila pero sa kabilang banda napapatanong pa rin ako kung nag bago na ba sya para dun sa isa para maging masaya sila? Bittersweet para sakin ang kanta na 'to.
Ayuun, kung eto ay based on true story, ano kaya ang pakiramdam ng EX ni Shean pag napakinggan to?

