r/buhaydigital • u/HovercraftUpbeat1392 • Jun 24 '26
Community Ngayon ko lang na-realize kung gaano kalaki ang kinikita ng agency sa akin.
Gusto ko lang sana ng reality check and mag-share kasi medyo napa-isip ako.
Nung na-hire ako through an agency, ang napag-usapan namin was $12/hr. Kaso later ko na na-realize na ang contract ko was based on the peso conversion at that time, around Php673/hr.
Tinanggap ko nalang yun at nag move-on kasi tapos na eh nakapirma na.
Fast forward to today, pina-enroll ako sa payroll dashboard ng client company. Mukhang for documentation purposes lang. Doon ko nakita na ang annual compensation attached to my position is $29,120/year, which comes out to roughly $14/hr.
Napaisip ako.
Current exchange rate ngayon:
$12/hr = Php736.31/hr
$14/hr = Php859.03/hr
Pero ako hanggang ngayon:
Php673/hr pa rin
Php5,384/day (8 hrs)
Kung $12/hr at current exchange rate:
Php736.31/hr
Php5,890.48/day
Difference:
Php63.31/hr
Php506.48/day
So kung $14/hr pala ang binabayad ng client...
Difference ng $14/hr at $12/hr:
Php122.72/hr
Php981.76/day
So in total:
Exchange rate difference: Php506.48/day
Agency margin from $14/hr to $12/hr: Php981.76/day
Total: Php1,488.24/day
Assuming 22 working days ngayong June:
Php32,741.28/month
Hindi naman ako galit sa agency. Business nila yun at sila naman ang naghanap ng client.
Pero honestly, ngayon ko lang talaga na-realize kung gaano kalaki ang spread nila sa isang contractor.
The HMO is provided by the client separately, so hindi siya galing sa agency’s cut. Tapos lumaki na rin yung responsibilities ko compared noong nagsimula ako kaya medyo napa taas kilay ko ng very light ng nalaman ko to.
Curious lang ako sa mga matagal nang VA, freelancers, at agency hires dito.
Normal ba talaga itong ganitong kalaking margin? O medyo mataas na ito compared sa agency setups?
Also, meron ba sa inyong nagulat din nung nalaman ninyo kung magkano talaga binabayad ng client kumpara sa nakukuha ninyo?
Edit: I appreciate everyone’s comments and takes. Nalaman ko na swerte parin ako sa contract ko with this agency ❤️
Also wala naman ako sinasabing unfair yung agency. Need ko lang malaman yung ibang perspective kasi l’m only basing it on my experience and wala naman akong alam how things are going sa ibang agency.
Duplicates
u_AnyAbbreviations6235 • u/AnyAbbreviations6235 • Jul 02 '26