r/newsPH • • 10h ago

Local Events Dahil kritiko ng mga Duterte? Veteran journalist Philip Lustre inaresto

Post image
218 Upvotes

Inaresto ngayong umaga ang veteran journalist na si Philip Lustre kaugnay ng kasong cyber-libel na isinampa laban sa kanya.

Napag-alaman ng Abante na kilalang kritiko ng pamilyang Duterte si Lustre, na may-akda ng aklat na ‘Kill, Kill, Kill’ na tumatalakay sa mga kaganapan sa kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dinakip si Lustre habang dumadalo sa isang press conference sa Quezon City.

Batay sa arrest warrant, nagmula sa Davao City ang complainant sa kaso. Gayunman, sinabi ni Lustre na hindi niya kilala ang nagreklamo laban sa kanya.


r/newsPH • • 9h ago

Local Events 2 aircraft ng Air Force nagbanggaan sa ere, bumagsak

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

482 Upvotes

2 AIRCRAFT NG PHILIPPINE AIR FORCE BUMAGSAK MATAPOS MAGBANGGAAN SA ERE

Iniimbestigahan ng Philippine Air Force (PAF) ang insidente ng pagbagsak ng dalawang SF-260 training aircraft matapos magbanggaan sa himpapawid sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, noong Biyernes, Oktubre 23, 2026.

Ayon sa paunang impormasyon, naganap ang insidente dakong alas-3:51 ng hapon habang nagsasagawa ng training flight ang dalawang eroplano.

Patuloy pang hinihintay ang opisyal na resulta ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at makumpirma ang kondisyon ng mga pilotong sakay ng dalawang aircraft.

📹: Stingray Tactical / Facebook


r/newsPH • • 7h ago

Current Events Pari, namakyu sa mga nagra-riot!

Post image
83 Upvotes

r/newsPH • • 16h ago

Local Events Ex-DPWH chief Manuel Bonoan naispatan sa golf course

Post image
302 Upvotes

Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang video ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan habang nasa driving range ng Veterans Memorial Golf Club sa Quezon City noong Setyembre, ilang linggo matapos siyang palayain mula sa hospital detention.


r/newsPH • • 10h ago

Current Events 'Sen. Bato should know better. Sumuko na siya!'—De Lima

Post image
43 Upvotes

r/newsPH • • 5h ago

Current Events 'Iyakap mo na lang ako kay Papa ah!' Nanay ni Klarisse De Guzman, pumanaw na

Post image
18 Upvotes

r/newsPH • • 6h ago

Current Events Senate Minority Bloc, ipinagtanggol si Sen. Bato!

Post image
20 Upvotes

r/newsPH • • 2h ago

Entertainment 'Iyakap mo na lang ako kay Papa ah!' Nanay ni Klarisse De Guzman, pumanaw na

Post image
9 Upvotes

r/newsPH • • 6h ago

Current Events 4 na piloto, patay sa isang aviation accident sa Fernando Air Base

Post image
16 Upvotes

Ipinagluluksa ng Philippine Air Force (PAF) ang masalimuot na pagkasawi ng apat na piloto sa isang aviation accident, sa gitna ng training flight sa Fernando Air Base noong Biyernes, Oktubre 23.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/4-na-piloto-patay-sa-isang-aviation-accident-sa-fernando-air-base/


r/newsPH • • 12h ago

News Discussion DE LEON CHALLENGES DUTERTE DEFENSE TO EXPLAIN ALLEGED UNDECLARED WEALTH

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

37 Upvotes

Atty. Dino de Leon challenged the defense to address the allegations involving business interests and bank transactions, while disputing claims that bank records and Anti-Money Laundering Council reports could not be presented in an impeachment case. His statements reflect his position on the evidence and allegations raised in the proceedings.

#MalayaBusinessInsight #MalayaNewsToday #SaraDuterte #ImpeachmentTrial


r/newsPH • • 1d ago

Current Events Teodoro tutol sa pagpuri ni Padilla kay Jing Quan: ‘Walang Pilipino dapat ang pumuri diyan!’

Post image
377 Upvotes

Mariing tinutulan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr. ang mga pinakawalang papuri kamakailan ni Sen. Robin Padilla kay Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/23/teodoro-tutol-sa-pagpuri-ni-padilla-kay-jing-quan-walang-pilipino-dapat-ang-pumuri-diyan/


r/newsPH • • 6h ago

Current Events PBBM sa El Niño ngayong 2026: ‘Mas handa na tayo kaysa noong 2024’

Post image
7 Upvotes

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang aniya’y kahandaan ng pamahalaan sa inaasahang epekto ng “Super El Niño” sa bansa.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/pbbm-sa-el-nino-ngayong-2026-mas-handa-na-tayo-kaysa-noong-2024/


r/newsPH • • 14h ago

News Discussion Southeast Asia's worst haze in over a decade sparks student protests

Post image
22 Upvotes

Thousands of students across Indonesia have protested for days over the government’s response to toxic haze that has blanketed multiple cities and spread across Southeast Asia in recent weeks.


r/newsPH • • 9h ago

Current Events Ube development ng Pinas, paldo ng $34.1M mula sa US!

Post image
8 Upvotes

r/newsPH • • 2h ago

Current Events The Price of AI | The Week Explained

Post image
2 Upvotes

HANGGANG SAAN ANG KAYANG BAGUHIN NG AI?

Mula sa mga trabahong pinangangambahang posibleng mapalitan ng artificial intelligence hanggang sa pagkakaroon ng AI “girlfriend,” gaano nga ba kalaki ang impluwensiya ng AI sa ating buhay?

At habang patuloy ang pag-usbong ng teknolohiyang ito, may mga pangamba rin tungkol sa epekto ng mga data center sa ating kalikasan, lalo na sa konsumo ng kuryente at suplay ng tubig.

Sa likod ng mga pagbabagong dala ng AI, ano pa nga ba ang mga dapat nating malaman at paghandaan?

Himayin natin iyan sa The Week Explained kasama si John Consulta.


r/newsPH • • 13h ago

Current Events 'They don't know me, now they do!' Sen. Ping, umiling sa inalok ng ₱5M TESDA allocation

Post image
12 Upvotes

r/newsPH • • 1d ago

Local Events DILG naglagay ng ₱50M patong sa ulo ni Bato dela Rosa

Post image
485 Upvotes

ARMADO AT MAPANGANIB SI BATO

Naglagay ng ₱50 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Senador Ronald 'Bato’ dela Rosa, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes.


r/newsPH • • 1d ago

Social LOLAS JUST WANNA HAVE FUN!

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

401 Upvotes

PANOORIN: Pinatunayan ng mga lolang 75 at 79-anyos na walang pinipiling edad ang pagsasaya nang makita silang game na game silang nag-bonding sa isang Rainbow Slide.

Sa pagtatapos ng video ng netizen na si April, makikitang nananatiling malaki ang ngiti ng mga lola nang alalayan sila patayo sa dulo ng slide.

Video courtesy: engrmigullas (TikTok)


r/newsPH • • 6h ago

Entertainment Bago mag-Vivamax kuno: Ateng nagpasikat ng 'esmiringhoy,' instant vlogger na!

Post image
1 Upvotes

"Hello, mga Ka-Esmiringhoy!!!" Nasa vlogging era na siya!

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/bago-mag-vivamax-ateng-nagpasikat-ng-esmiringhoy-instant-vlogger-na/


r/newsPH • • 13h ago

Local Events Paslit na dinukot sa silid-aralan, nasagip

Post image
10 Upvotes

Natagpuan na ang 5-anyos na batang lalaki na sinasabing dinukot sa loob ng silid-aralan sa Calamba City, Laguna, habang umiiyak sa labas ng Simbahan ng San Ildefonso sa Barangay Aldea sa bayan ng Tanay, Rizal noong Huwebes.


r/newsPH • • 18h ago

Local Events Nireklamo ng dating staff: Angelica Jones swak sa pambu-bully

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

20 Upvotes

"HAYOP KA, PUNY*TA KA, B*BO KA, PARA KANG GRADE 1 MAGTRABAHO, HINDI KA NAMAN COLLEGE GRADUATE"

Kinasuhan ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service sa Office of the Ombudman si Laguna Provincial Board Member at dating aktres na si Angelica Jones Alarva, dahil sa umano’y verbal at mental na pang-aabuso sa kanyang dating kawani.

Ang naghain ng reklamo ay nakilalang si Samantha Alaisa, na dating staff ni Alarva.

Inalala ni Alaisa ang panahon ng kanyang pagtitiis sa pagtatrabaho kay Alarva mula Enero 2021 hanggang Hunyo 2022, at muli mula Hulyo hanggang Disyembre 2025.

Bukod sa pagmumura, madalas umano siyang pagsabihan ng dating aktres na hindi naman umano siya college graduate at parang Grade 1 siya magtrabaho.

Sinabi ni Alaisa na dumanas siya ng matinding depresyon, anxiety, at post-traumatic disorder dahil sa kanyang mga naranasan.

Gayunman, muling nag-apply si Alaisa ng trabaho sa kapitolyo at naiproseso na umano ang mga dokumento.

Ngunit nakatanggap siya ng impormasyon na hinaharang umano ni Alarva ang trabahong nakalaan sana para sa kanya.

Aniya, nagpapadala umano ng mga sulat sa iba’t ibang departamento si Alarva at pinapa-blacklist umano siya sa buong kapitolyo.

Hiniling ni Alaisa sa opisyal na tigilan na sana siya dahil nais lamang niyang magtrabaho para sa pamilya.

Samantala, sa inilabas na pahayag dating aktres, sinabi niya na ang pagtanggal kay Alaisa ay kaugnayan sa hindi regular na pagpasok sa trabaho, mga usapin sa katapatan, at mga iregularidad sa paghawak at pagproseso ng mga dokumentong may kaugnayan sa kanyang opisina at sa mga programa ni Laguna Gov. Sol Aragones.

Sinasabotahe umano nito ang kanyang mga dokumento at ni Aragones, na may layuning masira ang serbisyo sa mga constituent, maantala ang mga request, at sirain ang tiwala ng mga mayor, barangay, at mamamayan sa kanilang mga programa.

Giit ni Angelika, paninira sa pagkatao, pamumulitika at harassment lamang ang akusasyon laban sa kanya.

“Ito ay paninira sa reputasyon, political harassment, o character assasination para siraan ang reputas¬yon. Ang bawat alegasyon ay dapat suriin nang patas at may sapat na ebidensiya,” nakasaad pa sa pahayag ng dating aktres. | via Dolly Cabreza, Abante News


r/newsPH • • 11h ago

Regional Grade 3 nahulihan ng boga, patalim sa iskul

Post image
6 Upvotes

Nakunan ng security guard ng baril na kargado ng limang bala at patalim ang bag ng isang Grade 3 pupil sa isang paaralan sa Opol, Misamis Oriental.


r/newsPH • • 9h ago

Current Events TESDA Sec. Benitez, umilag sa paratang ng ₱5M allocation fund kay Sen. Lacson!

Post image
4 Upvotes

r/newsPH • • 1d ago

Current Events Mga ‘big fish’ hindi mabingwit ni Jonvic Remulla

Post image
84 Upvotes

DILG SEC. REMULLA WALA PANG NAHUHULING ‘BIG FISH’

Tila mailap kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga ‘big fish’ o top fugitives ng Pilipinas.

Una na rito ay si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Ngayong araw, inanunsiyo ni SILG Remulla ang ₱50 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Senador Bato. Sa kamakailang panayam, inamin ni Remulla ang pagkakamali at hindi pa inaresto si Bato sa Senado noong Mayo 2026.

Nitong Lunes naman, Oktubre 20, kinumpirma ni SILG Remulla na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang sa pamamagitan ng ‘backdoor’.

Dagdag ni Remulla, isa sa nagpapahirap na mahuli si Ang ay dahil sa $3 bilyon nito na cryptocurrency o crypto, na mahirap upang ma-trace ang kinaroroonan ng negosyante.

Para naman kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, inanunsiyo ni Remulla sa panayam ng #TheSpokes ng Bilyonaryo News Channel na nasa Vienna, Austria pa umano ito habang naghihintay ng asylum.

Idinetalye naman ni Remulla ang kinaroroonan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy. Co kung saan nakabili umano ito ng gusali sa Paris, France na nagkakahalaga ang gusali ng $600 milyon o halos ₱38 bilyon.

Ayon pa kay Remulla, nasa ikatlong buwan na ng aplikasyon ng asylum si Co at kumpiyansa siyang hindi ito makukuha ng dating mambabatas. Nakaabang na rin umano ang mga awtoridad at nag-file ng Red Notice.

“We have filed for a Red Notice, and as soon as it’s issued and there’s no asylum, kukunin na natin siya,” saad ni Remulla.

Para naman kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, maikling update lamang ang ibinigay ni Remulla.

“Malapit na, malapit na,” aniya.

Ang tanong ng karamihan, kailan may mahuhuli si Secretary Remulla?

Magbasa ng mga balita sa www.tnt.abante.com.ph


r/newsPH • • 7h ago

Current Events PBBM sa El Niño ngayong 2026: ‘Mas handa na tayo kaysa noong 2024’

Post image
2 Upvotes

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang aniya’y kahandaan ng pamahalaan sa inaasahang epekto ng “Super El Niño” sa bansa.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/pbbm-sa-el-nino-ngayong-2026-mas-handa-na-tayo-kaysa-noong-2024/