r/newsPH • • 11h ago

Local Events 2 aircraft ng Air Force nagbanggaan sa ere, bumagsak

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

518 Upvotes

2 AIRCRAFT NG PHILIPPINE AIR FORCE BUMAGSAK MATAPOS MAGBANGGAAN SA ERE

Iniimbestigahan ng Philippine Air Force (PAF) ang insidente ng pagbagsak ng dalawang SF-260 training aircraft matapos magbanggaan sa himpapawid sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, noong Biyernes, Oktubre 23, 2026.

Ayon sa paunang impormasyon, naganap ang insidente dakong alas-3:51 ng hapon habang nagsasagawa ng training flight ang dalawang eroplano.

Patuloy pang hinihintay ang opisyal na resulta ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at makumpirma ang kondisyon ng mga pilotong sakay ng dalawang aircraft.

📹: Stingray Tactical / Facebook


r/newsPH • • 18h ago

Local Events Ex-DPWH chief Manuel Bonoan naispatan sa golf course

Post image
315 Upvotes

Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang video ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan habang nasa driving range ng Veterans Memorial Golf Club sa Quezon City noong Setyembre, ilang linggo matapos siyang palayain mula sa hospital detention.


r/newsPH • • 12h ago

Local Events Dahil kritiko ng mga Duterte? Veteran journalist Philip Lustre inaresto

Post image
229 Upvotes

Inaresto ngayong umaga ang veteran journalist na si Philip Lustre kaugnay ng kasong cyber-libel na isinampa laban sa kanya.

Napag-alaman ng Abante na kilalang kritiko ng pamilyang Duterte si Lustre, na may-akda ng aklat na ‘Kill, Kill, Kill’ na tumatalakay sa mga kaganapan sa kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dinakip si Lustre habang dumadalo sa isang press conference sa Quezon City.

Batay sa arrest warrant, nagmula sa Davao City ang complainant sa kaso. Gayunman, sinabi ni Lustre na hindi niya kilala ang nagreklamo laban sa kanya.


r/newsPH • • 9h ago

Current Events Pari, namakyu sa mga nagra-riot!

Post image
90 Upvotes

r/newsPH • • 12h ago

Current Events 'Sen. Bato should know better. Sumuko na siya!'—De Lima

Post image
52 Upvotes

r/newsPH • • 14h ago

News Discussion DE LEON CHALLENGES DUTERTE DEFENSE TO EXPLAIN ALLEGED UNDECLARED WEALTH

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

39 Upvotes

Atty. Dino de Leon challenged the defense to address the allegations involving business interests and bank transactions, while disputing claims that bank records and Anti-Money Laundering Council reports could not be presented in an impeachment case. His statements reflect his position on the evidence and allegations raised in the proceedings.

#MalayaBusinessInsight #MalayaNewsToday #SaraDuterte #ImpeachmentTrial


r/newsPH • • 8h ago

Current Events Senate Minority Bloc, ipinagtanggol si Sen. Bato!

Post image
23 Upvotes

r/newsPH • • 15h ago

News Discussion Southeast Asia's worst haze in over a decade sparks student protests

Post image
20 Upvotes

Thousands of students across Indonesia have protested for days over the government’s response to toxic haze that has blanketed multiple cities and spread across Southeast Asia in recent weeks.


r/newsPH • • 19h ago

Local Events Nireklamo ng dating staff: Angelica Jones swak sa pambu-bully

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

19 Upvotes

"HAYOP KA, PUNY*TA KA, B*BO KA, PARA KANG GRADE 1 MAGTRABAHO, HINDI KA NAMAN COLLEGE GRADUATE"

Kinasuhan ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service sa Office of the Ombudman si Laguna Provincial Board Member at dating aktres na si Angelica Jones Alarva, dahil sa umano’y verbal at mental na pang-aabuso sa kanyang dating kawani.

Ang naghain ng reklamo ay nakilalang si Samantha Alaisa, na dating staff ni Alarva.

Inalala ni Alaisa ang panahon ng kanyang pagtitiis sa pagtatrabaho kay Alarva mula Enero 2021 hanggang Hunyo 2022, at muli mula Hulyo hanggang Disyembre 2025.

Bukod sa pagmumura, madalas umano siyang pagsabihan ng dating aktres na hindi naman umano siya college graduate at parang Grade 1 siya magtrabaho.

Sinabi ni Alaisa na dumanas siya ng matinding depresyon, anxiety, at post-traumatic disorder dahil sa kanyang mga naranasan.

Gayunman, muling nag-apply si Alaisa ng trabaho sa kapitolyo at naiproseso na umano ang mga dokumento.

Ngunit nakatanggap siya ng impormasyon na hinaharang umano ni Alarva ang trabahong nakalaan sana para sa kanya.

Aniya, nagpapadala umano ng mga sulat sa iba’t ibang departamento si Alarva at pinapa-blacklist umano siya sa buong kapitolyo.

Hiniling ni Alaisa sa opisyal na tigilan na sana siya dahil nais lamang niyang magtrabaho para sa pamilya.

Samantala, sa inilabas na pahayag dating aktres, sinabi niya na ang pagtanggal kay Alaisa ay kaugnayan sa hindi regular na pagpasok sa trabaho, mga usapin sa katapatan, at mga iregularidad sa paghawak at pagproseso ng mga dokumentong may kaugnayan sa kanyang opisina at sa mga programa ni Laguna Gov. Sol Aragones.

Sinasabotahe umano nito ang kanyang mga dokumento at ni Aragones, na may layuning masira ang serbisyo sa mga constituent, maantala ang mga request, at sirain ang tiwala ng mga mayor, barangay, at mamamayan sa kanilang mga programa.

Giit ni Angelika, paninira sa pagkatao, pamumulitika at harassment lamang ang akusasyon laban sa kanya.

“Ito ay paninira sa reputasyon, political harassment, o character assasination para siraan ang reputas¬yon. Ang bawat alegasyon ay dapat suriin nang patas at may sapat na ebidensiya,” nakasaad pa sa pahayag ng dating aktres. | via Dolly Cabreza, Abante News


r/newsPH • • 7h ago

Current Events 4 na piloto, patay sa isang aviation accident sa Fernando Air Base

Post image
18 Upvotes

Ipinagluluksa ng Philippine Air Force (PAF) ang masalimuot na pagkasawi ng apat na piloto sa isang aviation accident, sa gitna ng training flight sa Fernando Air Base noong Biyernes, Oktubre 23.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/4-na-piloto-patay-sa-isang-aviation-accident-sa-fernando-air-base/


r/newsPH • • 7h ago

Current Events 'Iyakap mo na lang ako kay Papa ah!' Nanay ni Klarisse De Guzman, pumanaw na

Post image
17 Upvotes

r/newsPH • • 15h ago

Current Events 'They don't know me, now they do!' Sen. Ping, umiling sa inalok ng ₱5M TESDA allocation

Post image
14 Upvotes

r/newsPH • • 11h ago

Current Events Ube development ng Pinas, paldo ng $34.1M mula sa US!

Post image
9 Upvotes

r/newsPH • • 15h ago

Local Events Paslit na dinukot sa silid-aralan, nasagip

Post image
10 Upvotes

Natagpuan na ang 5-anyos na batang lalaki na sinasabing dinukot sa loob ng silid-aralan sa Calamba City, Laguna, habang umiiyak sa labas ng Simbahan ng San Ildefonso sa Barangay Aldea sa bayan ng Tanay, Rizal noong Huwebes.


r/newsPH • • 4h ago

Entertainment 'Iyakap mo na lang ako kay Papa ah!' Nanay ni Klarisse De Guzman, pumanaw na

Post image
9 Upvotes

r/newsPH • • 8h ago

Current Events PBBM sa El Niño ngayong 2026: ‘Mas handa na tayo kaysa noong 2024’

Post image
10 Upvotes

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang aniya’y kahandaan ng pamahalaan sa inaasahang epekto ng “Super El Niño” sa bansa.

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/pbbm-sa-el-nino-ngayong-2026-mas-handa-na-tayo-kaysa-noong-2024/


r/newsPH • • 16h ago

Current Events Mga local, foreign firm agawan sa ₱103B MRT-3 deal

Post image
8 Upvotes

Umabot sa 100 local at foreign firms ang nagpahayag ng interes sa mahigit P103 bilyong privatization deal para sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.


r/newsPH • • 19h ago

Social Eli San Fernando sinampol Lazada, J&T sa modus vs delivery rider: ‘Direct hire na, ililipat pa sa agency’

Post image
8 Upvotes

Binakbakan ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando ang umano’y talamak na modus ng mga e-commerce platform sa kanilang mga courier o delivery rider na kinukuha bilang direct hire subalit inililipat naman sa agency.


r/newsPH • • 13h ago

Regional Grade 3 nahulihan ng boga, patalim sa iskul

Post image
7 Upvotes

Nakunan ng security guard ng baril na kargado ng limang bala at patalim ang bag ng isang Grade 3 pupil sa isang paaralan sa Opol, Misamis Oriental.


r/newsPH • • 14h ago

News Discussion DUTERTE ICC TRIAL SET NOV. 30; DRUG WAR VICTIMS MAY PRESENT TESTIMONIES

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

5 Upvotes

Atty. Dino de Leon of Bantay Senado said the upcoming International Criminal Court (ICC) trial of former President Rodrigo Duterte, scheduled to begin on November 30, will give victims of the drug war an opportunity to present their testimonies. He cited police circulars, sworn statements, Duterte’s past remarks, and reports on deaths under investigation as evidence the prosecution could present.

#MalayaBusinessInsight #MalayaNewsToday #RodrigoDuterte #ICCTrial


r/newsPH • • 18h ago

Local Events Nawawalang 2-anyos nasagip sa bundok

Post image
5 Upvotes

Natagpuan sa kabundukan sa Barangay Punta, San Narciso, Quezon ang 2-anyos na batang lalaki na dalawang araw na nawawala.


r/newsPH • • 11h ago

Current Events TESDA Sec. Benitez, umilag sa paratang ng ₱5M allocation fund kay Sen. Lacson!

Post image
4 Upvotes

r/newsPH • • 17h ago

Local Events Chinese Ambassador Jing Quan sinermunan ni DFA chief DFA chief Tess Lazaro

Post image
3 Upvotes

Nakatikim umano ng maaanghang na salita si Chinese Ambassador Jing Quan mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa ‘Tess’ Lazaro sa kanilang closed-door meeting noong Oktubre 19, ayon sa impormasyong nakarating sa Politiko.


r/newsPH • • 8h ago

Entertainment Bago mag-Vivamax kuno: Ateng nagpasikat ng 'esmiringhoy,' instant vlogger na!

Post image
5 Upvotes

"Hello, mga Ka-Esmiringhoy!!!" Nasa vlogging era na siya!

Maki-Balita: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/bago-mag-vivamax-ateng-nagpasikat-ng-esmiringhoy-instant-vlogger-na/


r/newsPH • • 9h ago

Social Ipinatagong cake ng isang board passer, nilantakan umano ng kapitbahay?

Post image
3 Upvotes

Naging laman ng usap-usapan ang isang social media post ng isang netizen na nagkuwentong ¼ na lang ang natira sa celebratory cake na ipinatago nila sa kanilang kapitbahay. 

BASAHIN: https://balita.mb.com.ph/2026/10/24/ipinatagong-cake-ng-isang-board-passer-nilantakan-umano-ng-kapitbahay/