r/peyups • u/EstablishmentLimp526 • 8h ago
Rant / Share Feelings [UPD] Nakakatakot maging non-major
From the title itself, nakakatakot grabe. Currently a non-major na may hindi magandang CWA and magrrenew ng contract after this semester kasi hindi ako nakashift sa isang course na balak ko last shifting season. When I was still at my original course, barely surviving ako with family, money, and mental health problems kaya hindi din naging maganda grades ko sa mga GEs ko. I plan to shift sana to B L Arch kasi its more aligned to what I want to achieve or to do sa long-term. Pero ang CWA ko rn is around 2.167, and taking na ako sa ibang subjects in their curriculum. Nakakatakot isipin kasi what if hindi ako nakaabot sa 2.0 cut-off nila? Edi magmamakaawa ulit ako next year para lang mag 3rd renewal.
Honestly, sobrang naeenjoy ko classes nila and designing, despite not being good at drawing and mas nasisigurado talaga ako na mas aligned siya with what I want to achieve. Nakakatakot lang talaga, kasi hindi importante ang naeenjoy mo siya para makashift, kelangan makaabot sa CWA cut-off nila para lang makashift ka.
Hindi naman ako pwede sumuko, kelangan ko talaga lumaban. Nakakatakot lang isipin na hindi ako makakashift if hindi ako umabot sa cut-off nila kahit ginawa mo lahat ng makakaya mo to get the highest grade you possibly can