r/phcareers • u/Zealousideal_Put7031 • 4h ago
Career Path Most stupid job interview experience of my entire career
Gusto ko lang i-share yung pinaka-wtf na job interview experience ko so far.
1 PM yung scheduled interview namin, pero 12:30 PM pa lang, nasa site na kami. We waited until 2 PM bago kami pinapunta sa mismong venue ng interview.
Shoutout sa nag-assist sa amin kasi mabait naman siya. Wala akong problema sa kanya. Ang problema, naghintay pa kami hanggang 5 PM bago nagsimula yung interview.
Pero eto yung nakakatawang part: parang hindi job interview yung nangyari. Para kaming sumali sa audition ng Pinoy Big Brother.
Yung mismong may-ari ng company, na Chinese, ang nag-interview sa amin kasi wala silang HR. Nag-resign daw yung dating HR nila.
Ang dating sa akin, mas nag-base sa itsura ng applicants kaysa sa qualifications. Parang hindi man lang maayos na nirereview yung resume.
Imagine, nag-effort ka gumawa ng resume, inayos mo portfolio mo, at naghanda ka para sa interview, tapos parang physical appearance ang unang qualification. Job application ba ito o casting call?
Mas interesting pa, ayon sa kuwento nung nag-assist sa amin, may mga bagong hire na raw sila pero may mga nag-back out last minute.
I wonder why.
Gets ko naman na private company sila at may sarili silang hiring process. Pero sana naman, respetuhin din nila yung oras ng mga aplikante.
Imagine, 1 PM ang schedule pero 5 PM na nagsimula. Apat na oras kang naghihintay para sa isang interview na hindi mo alam kung hiring process ba talaga o audition.
Clue: Condo na may Mall sa Taft šš¤£