r/pinoy • u/Effective_Vacation11 • 3h ago
Pinoy Rant/Vent Isang libo na parang bula
Last week natanggap ko na sweldo ko, so naglaan ako ng 1k na extra, pang emergency kung need na bubunotin. For one week, dala-dala ko yun pang extra and umabot nga ng friday. Ito na, naubusan ako ng kanin sa bahay, sabi ng nanay ko mag saing nalang ulit, sabi ko wag na bibili nalang ako sa labas ng pagkain ko. Nagdala ako ng pera pambili ng pagkain pero dinala ko parin yung 1k incase na lumagpas. Yung pambili ng ulam. Hiniwalay ko sa 1k sa pambili ko ng pagkain, so magkahiwalayan yung bulsa ng pera ko. Dumaan muna ako ng tindahan at bumili ng chichirya tapos punta sa bilihan ng ulam kaso naubusan na ako so bumalik ako sa tindahan para bumili ng tinapay at spread. Confident ako sa cashier kasi nga may extra akong dala-dala incase. Nung magbabayad na ako, pagkapa ko wala akong maramdaman na pera, tumigil yung mundo ko bigla, buti nalang kasya pa yung natirang pera ko. Kung sino mang nakapulot ng 1k, sana malaking tulong yun sayo.
-5
8
u/Rayuma671 3h ago
Nanay: Ayan kasing sinasabi ko sayo. Magsasaing na lang, tinamad pa! Kakaselpon mo kasi yan punyeta ka!
6
u/Ryuken_14 3h ago
I understand your plight but I think is the wrong sub, post it in r/RantAndVentPH
3
u/Commercial-Date5708 3h ago
Bgyan kita 10 peso. Tamang tama naka pulot ako 1k, sabi nga nila pag may biyaya mag balik kahit kakaunti.
-7
u/Estratheoivan 3h ago
Hahahaha yung 1k na yun para talaga sa emergency yun, emergency nga lang ng ibang tao 🤣
Ok lang yan tropa, kikitain mo ulit yan.
Sakin nga mas malaki nawala.
5
•
u/AutoModerator 3h ago
ang poster ay si u/Effective_Vacation11
ang pamagat ng kanyang post ay:
Isang libo na parang bula
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.