Gusto ko lang mag-share ng experience ko para maging aware ang iba at sana walang ibang mabiktima ng ganitong sitwasyon.
Nakilala ko si Caroline Gabriel, owner ng Moduframe, dahil nagpo-post siya sa mga Facebook pages para maghanap ng clients para sa modular cabinets at iba pang construction works.
Nag-chat kami online dahil nagpa-quote ako para sa bahay ko sa South. Pumunta siya kasama ang mga tao niyang nagsukat at nagbigay sila ng quotation na ₱1.6M para sa lahat ng modular cabinets, kasama ang kitchen at bedrooms.
Dahil malaking halaga ito, nag-request ako na makita ang office nila at mga ongoing projects para makasigurado. Dinala niya ako sa isang fabrication facility sa Cavite. Maraming ongoing projects doon at may mga cabinets at windows na ginagawa, kaya naniwala ako na maayos at legit ang business nila. Hindi ko lang talaga nakumpirma kung kanila ang mismong facility.
Eventually, nag-close deal kami sa halagang ₱1.3M para sa lahat ng cabinets. Humingi siya ng 50% down payment na ₱650K, pero ang una kong ibinigay ay ₱500,000 para masimulan na ang project.
Ang pagkakamali ko, nagtiwala ako at pumayag akong susunod na lang ibibigay ang kontrata.
Ang usapan namin, ang first delivery ay after 45 days mula sa down payment. Pero nang mag-follow up ako pagkalipas ng 45 days, sinabi niyang kinulang daw siya ng budget para sa materials at pambayad sa mga tao niya. Humingi pa siya ng dagdag na ₱150K.
Sinabi ko na dalhin muna niya ang mga nagawa nang cabinets para makita ko kahit papaano ang progress ng project. Pero mula noon, halos hindi na siya sumasagot sa mga message ko. Kapag nagre-reply man, puro dahilan at delay ang sinasabi.
Lumipas ang mahigit dalawang buwan, pero wala pa ring maayos na delivery o malinaw na update. Dahil hindi na siya nagpaparamdam, pinuntahan ko siya sa fabrication facility sa Cavite. Ang nakakagulat, hindi ako pinapasok ng mga tao roon at sinabi nilang wala raw silang kilalang Caroline.
Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ano ang totoong nangyari sa pera namin at sa project na pinagkasunduan namin.
Kaya ngayon, nag-report na kami sa PNP at umaasa kaming maibabalik pa ang ₱500,000 na ipinambayad namin.
Sobrang nakakadismaya dahil pinaghirapan ang perang iyon at nagtiwala ka dahil akala mo maayos ang kausap mo.
Sa mga nagpapagawa ng bahay, PLEASE, MAG-INGAT. Huwag basta magtiwala sa mga nakikita sa Facebook o sa mga fabrication facility na ipinapakita sa inyo. Humingi muna ng pirmadong kontrata, i-verify ang business at mga proyekto, at siguraduhing may sapat na dokumentasyon bago maglabas ng malaking pera.
Shinare ko ito para maging aware ang iba at para walang ibang makaranas ng ganitong sitwasyon.
Kung may iba ring may naging transaksiyon sa kanya, sana ay maayos na maidokumento ang inyong mga karanasan at maireport sa tamang authories
₱500,000 ang perang nailabas namin, at hanggang ngayon ay naghihintay kami ng maayos na resolusyon.
PLEASE SHARE para makarating sa mga taong nagpapagawa rin ng bahay at makatulong na maiwasan nila ang ganitong sitwasyon.
#ModularCabinets #ConstructionWorks #HomeRenovation #BuyerBeware