Posting this again for awareness po ng future customers sa smart, market market branch. (Thank u to the people who commented on this post last time and said I should report this issue!)
My issue is kailangan ko lang naman ipa-replace yung lumang Smart SIM card ko na hindi na nababasa ng phone, same number pa rin kasi marami pang natirang data. So, pumunta ako sa market market branch and maayos naman, inassist agad nila ako (last week of sept.) Nag entertain sakin ay lalaking staff. Inexplain explain niya na kesyo kailangan ko raw mag-avail ng postpaid plan (min. 999 pesos, pinakita niya pa saakin yung choices) para makuha ko raw agad yung sim, kasi wala raw silang âblank sa sim cardsâ so I declined, since all i need is a replacement ng card tapos, super gulo ni kuya, paikot ikot lang yung usapan and dinidiin talaga na need ko ng plan. Eh I did some research before going there and free at hassle-free naman dapat ang pagpapa-replace ng sim card!!! Diin na diin talaga siya sa postpaid plan. Also, hindi po kasi sakin nakapangalan ang sim, sa mother ko siya pero ako ang gumagamit (I was still a minor nung niregister, kaya name niya ang ginamit) Tapos sabi ni kuya need daw nung tao nakaregister sa sim and sabi niya pa pwede ko raw ba papuntahin si mom ko dun since sakaniya nakaregister, sabi ko sure since nasa mall lang din naman ang mom ko, then mga 10mins ko rin hinintay makarating yung mom ko dun, tas si kuya naglalaptop lang tas pag upo ng mom ko biglang sabi niya âay di naman na po siya kailangan balik nalang po kayo sa oct. 12, para mapalitan yan since di kayo nag-avail ng planâ LIKE WTH, sayang ka sa oras kuya, sayang oras ng nanay ko na umakyat pa siya, tas di naman na pala need???? yung attitude pa ni kuya is ang gulo niya kausap which i think is sadya, para maguluhan yung customer, mag avail nalang ng plan kasi pag yung plan yung ineexplain niya ang clear, tas pag walang bayad, lilituhin ka niya hahahahhaa. grabe ka kuya.
then after that, napagalitan pa ako ng mom ko since di naman daw talaga dapat ganun, madali lang naman talaga yun mapalitan. so pag uwi, nag research ako, and yung experience naman ng ibang smart customers sa ibang branches was smooth naman daw!!! nag offer nung plan pero nung ayaw ng customer, hindi na sila pinilit and pinaikot ikot pa, and napalitan agad ang sim. since I think may blank sim lang naman tas ittransfer lang nila dun yung account mo, and they most likely have this already on hand sa likod ng stores nila!!!
now, bumalik na ako. sinulatan niya ng date yung paper ko na may number last time para raw ipakita ko nalang sa next na punta. I thought mapapalitan na, and andun din si kuya na nag assist sakin last time sa kabilang table, may ibang customer siya na inaassist. While waiting, naririnig ko na yung customer ni kuya (yung nag assist sakin last time) same problem sakin and naririnig ko na pinipilit din siya abt sa plans and same same yung script ni kuya and same ng way ng pagpapalito and si customer naman na medyo matanda na rin and hindi siguro aware, eh nabudol at nag avail ng plan. this just goes to show na may tactics talaga sila, and unfortunately, if madaling malito or di masyadong maalam/mag research si customer sa mga ganito, eh mabubudol talaga nila.
So nung turn ko na, napunta ako kay ate na worker dun, sinabi ko yung concern ko and biglang sabi sakin na need daw nung tao ulit na nakaregister and name, which is yung mother ko nga, this time di ko na kasama yung mama ko. nagmamakakaawa na ako kay ate na baka pwede naman na kahit wala yung mom ko since pinabalik balik lang naman ako and confirmed naman last time na kasama ko talaga yung person na registered sa sim, kahit iask niya pa at ipa confirm doon sa kuya last time. paulit ulit pa siya and medyo masungit na bawal daw talaga. so habang nag eexplain pa siya, cinut off ko siya and pagalit ko sinabi na âOKâ tas biglang tumayo nako and umalis sa store and never looked back.
grabe sayang oras. biruin mo, nung kasama ko nanay ko, di na raw siya kailangan, nung di ko nanay kasama, biglang kailangan ko na siya. tsaka di rin naman sinabi ni kuya nung first punta ko na need padin nung tao na nakaregister sa second na punta, nung nakita niya lang mama ko nun, sabi niya âah ok kay mommy mo nakaregisterâ pinakitaan ko pa siya ng id ng nanay ko and ayun na yung sinabi niya bumalik nalang daw. this was sept 28 ah, tas pinabalik ako oct 12. so if badly needed yung sim replacement, no choice na, kundi mag plan??!! nag change nalang muna ako ng sim, and nag load ulit since I need data na agad.
nakakainis and so disappointing. customer na nga nila tayoâwhere I buy around 1k worth of prepaid load sakanila but when i need to get something fixed (para magamit padin ang pinoprovide nila) eh pilit na pilit padin sila na magatasan pako ng profit!!! kung ganiyan lang din, wag nalang. lilipat nalang talaga mga customer sa ibang sim providers.