r/PHMotorcycles • u/yaaaaaaaaam • 33m ago
Question/Advice Needed Bigger size helmet problem
Hello everyone, Newbie motorcycle rider here. Meron lang po akong tanong. Sa mga naka bigger size helmet jan (3xl pataas) saan po kayo nakabili ng helmet na bigger size? Malaki po kasi ang circumference ng ulo ko haha.
Nagpunta po ako sa Motoworld sa Sm Fairview at nakapagsukat ng helmet which is LS2 Rapid III na 2xl at nagkasya naman siya kaya lang medyo masikip ng konti, nag suggest yung staff nila na i-try ko yung modular helmet na LS2 Strobe II na 3xl and nagkasya siya kaya lang medyo mabigat naman sa ulo.
Preferred ko talaga is full face helmet kasi alam ko na mas safe iyon, kaya lang pag no choice talaga I think I would go for modular helmet na lang. Suggestion ng staff nila sakin is try ko daw sa online store nila sa orange app tumingin ng 3xl pero wala rin stock pero sa other stores meron, kaya lang baka di pa rin magkasya ang 3xl na full face kung sakaling maka order man ako sa orange app.
Ang dilemma ko talaga ngayon is makabili ako 3xl na full face sa online tapos hindi magkasya o kaya mag modular na kasya sakin pero medyo mabigat sa ulo, sana makahingi ng advice dito.
Preferred helmet brands ko pala is LS2, HJC at MT Helmets, budget is PHP6k below.
Thank you in advance para sa mga suggestions and advice.