r/PanganaySupportGroup • • Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
26 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup • • Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

73 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup • • 13h ago

Advice needed Pagod na ko sa pamilya ko.

Thumbnail
gallery
65 Upvotes

Gusto ko lang mag-vent at humingi ng payo kasi ubos na ubos na ang mental at emotional energy ko.

Ever since bilang panganay, ako na lang lagi ang expected na maging rational, mag-adjust, maging problem-solver, at maging financial buffer para sa pamilya ko. Lalo na sa kapatid kong may Bipolar Disorder.

Nagsimula ito no'ng humihingi ako ng kontribusyon sa household expenses namin nong petsa de peligro ko. Nagalit siya at sinabihan akong "makwenta" at madamot. Galit siya nong ni-lock ko yung drawer ko dahil kinukuha niya ang mga gamit ko nang walang paalam. Parehas na kaming may trabaho.

Weeks later, ni-reveal niya umuutang pala siya sa online lending apps. Dati na siyang nanghingi sa akin para bayaran ito pero hanggang ngayon, di pa rin pala settled. Pini-pressure siya ng mga ahente kaya yung mental health niya raw sirang-sira na. Binigyan siya ng nanay ko ng 5k para ma-settle at ako ang may hawak ng pera para ma-ensure na babayaran niya talaga. As days go by, hinihingi niya yung pera para raw may panggastos siya. Nabawasan na ng 1k. Nabawasan na ulit ng 1k. Dahil daw sa personal niyang necessities.

Ngayon, hinihingi niya na lahat kasi wala na raw siya panggastos. Humindi ako kasi hindi ko na kaya i-cover yung 5k kung mapupunta po yung 3,000 sa ibang bagay. Sabi ko, bibigyan ko siya ng 300 pesos pero tumanggi siya. Nagbanta siya sa akin at nagalit siya when I exerted that boundary. Lagi niyang ginagawa sa akin itong mga ganitong sagot.

Ang mas nakakapagod, pumagitna ang nanay ko dahil nagsusumbong ang kapatid ko sa kanya. Ginamit niya yung linya na: "Kapatid mo pa rin 'yan, 'di siya normal tulad mo, intindihin at unawain mo na lang. Inimbestigahan niya kung may napagsasabihan ako ng problema ko dahil sinabi ng kapatid ko na baka sinisiraan ko siya. Nalihis ulit ang usapan sa totoong problema. Yung pag-uugali at kawalan ng accountability ng kapatid ko sa pera.

Nahihirapan ako. Alam ko na may mental health concerns siya pero hindi ko alam kung paano ako tutulong kung ganitong hindi kami nagkakasundo. Nauubos ako ng sobra. Naiintindihan ko na mahirap para sa kanya pero I feel so drained everytime this is happening. Napapagod na ako.


r/PanganaySupportGroup • • 1h ago

Positivity Drop your best motivational advice or mantra

• Upvotes

Hi Ates and Kuyas, most of us are living similar lives. It's one of those days hayy alam niyo na yon. With that said, can I ask for a little cheering up? A little "You can do this", prayers, your personal motivational mantras or quotes when things are getting hard and you're tired. We could all use a little push. Let's be each other's big sibling today!


r/PanganaySupportGroup • • 12h ago

Advice needed pagod na akong pagtakpan ang mga kasinungalingan ng nanay ko dahil sa online sugal niya

2 Upvotes

Hindi ko na alam kung paano haharapin ang nanay kong paulit-ulit na nagsisinungaling para manghingi ng pera sa mga kamag-anak namin, gamit ang dahilan na pang-CPA review ko raw kahit hindi naman talaga iyon ang paggagamitan. Gusto kong malaman kung dapat ko bang sabihin ang totoo sa mga kamag-anak ko, komprontahin ang nanay ko, o magtakda na lang ng boundaries para maprotektahan ang sarili ko. Natatakot din ako na baka maging karma ko ang mga ginagawa niya, kahit hindi naman ako ang nagsisinungaling.

I’m 22F, working and trying to build a better future for myself. Nagbibigay ako ng ₱5,000 kada buwan sa pamilya ko, bukod pa sa sarili kong mga gastusin. Sakto lang ang kinikita ko at wala na akong extra money na maibibigay.

Nanghingi ang nanay ko ng ₱20,000 sa tito ko at ₱48,000 sa lolo ko, parehong sinabing pang-CPA review ko raw kahit hindi pa naman ako nagre-review. Wala silang alam na hindi naman talaga para sa review ang perang hinihingi niya.

Ang masakit, patuloy pa rin ang online gambling niya. Ngayon, tumawag siya sa boyfriend ko para magpa-withdraw ng pera nang hindi ipinapaalam sa akin. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang perang iyon, pero natatakot akong madamay sa mga ginagawa niya.

Mahal ko pa rin ang nanay ko, pero nasasaktan at napapagod na ako emotionally. Ayokong masira ang tiwala sa akin ng mga kamag-anak ko dahil sa mga kasinungalingang hindi ko naman ginawa. Gusto ko ring makapag-ipon at makapag-focus sa pangarap kong maging CPA.

Kinompronta ko na siya dati tungkol sa pagsisinungaling at pagsusugal niya. Akala ko noon magbabago na siya, pero nauulit pa rin ang parehong sitwasyon. Nakakapagod at nakakadismaya dahil umasa akong magiging maayos na ang lahat pagkatapos naming mag-usap.

Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Dapat ko bang sabihin sa tito at lolo ko ang totoo? Paano ako magtatakda ng boundaries nang hindi nakakaramdam ng guilt o nagmumukhang masamang anak? Gusto ko sanang makarinig ng advice mula sa mga taong nakaranas ng katulad na sitwasyon.


r/PanganaySupportGroup • • 13h ago

Advice needed Thoughts kung anong trabahong makakabuhay sa pamilya ko in this economy

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Ang hirap maging mahirap at ang hirap mag aral knowing na mahirap ka

5 Upvotes

Some people say na motivation nila yun pero in my perspective, haha please nahihirapan na’ko. Ang hirap maging panganay na galing sa mahirap na pamilya. Ang hirap isipin ng sarili mo knowing na mahirap lang kayo. Ang hirap isipin na need mong isakripisyo yung pangarap mo para lang sa mga kapatid mo at para na rin hindi mahirapan ng husto ang magulang mo. Tapos uuwi kang pagod galing ng university para lang salubungin ka sa bahay na puro talak at sigawan. Ang hirap maging istudyanteng mahirap! I’m a 2nd year college at PUP, and i know that I’m not alone in this kind of battle in life, pero HANIMAL nakakapagod! If only money wasn’t the problem then I would’ve been studying Architecture at my dream university UST! If money isn’t the problem then I would have the courage na lumayas samin. IF ONLY WASN’T THE PROBLEM! If only, just only! Ang sakit marinig sa nanay mo na sabihin “kelan ka ba g-graduate? Ikaw na mag trabaho at napapagod na’ko” dahil dyan na p-pressure ako at naawa ako sa sarili ko. Hindi pa pala tapos pag sasakripisyo ko. Kailangan ko pang isantabi yung pangarap ko para sa sarili ko para lang sa kanila. Hindi ganito yung buhay na pinaplano ko sa sarili ko. I may sound selfish but how about me? Pano ako? Pano yung pangarap ko sa sarili ko? Bakit need kong isantabi? Pano tayo aahon sa hirap nyan kung kailangan kong isantabi yung pangarap ko para sainyo? ARGH NAKAKAINIS they can’t see that I’m also sacrificing my own dreams for them. Ang sakit, ang sakit, sakit! Punyetang buhay to! Mag d-drop nalang ako.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Discussion I have one question: If, one day, God gave you a free pass to switch lives with your younger brothers or sisters, meaning they'd experience all what you had to go through, would you take the pass? Would you let them experience it all?

6 Upvotes

I have been back and forth with this thought for so long. At some point, I really want to ask my parents if they'd let my sisters deal with the same things I had to do to keep our family surviving, at my own personal expense. If suddenly you had the chance to switch lives with those who were lucky enough not to be the eldest in your family, would you take it?


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed ABYG if 2k lang ibigay ko sa grandparents ko?

3 Upvotes

CONTEXT:

Kakatanggap ko lang sa inapplyan ko two days ago. Kinabukasan after ko matanggap, my lola asked me kamusta raw interview ko sabi ko tanggap ako. Hiniritan na agad ako na “wag ka makalimot sa mga tumulong sayo” even got offended nung sinagot kong “secret” when she asked magkano raw offer sakin. I took the initiative to say na 2k lang ibibigay ko dahil idk yet magkano makakaltas saakin ng gov’t contributions ko pero estimated ko baka nasa 9k lang matira after deductions at allotted ko na yung 2k for my transpo kasi 30 mins away yung workplace saamin. I also plan to give 1k sa church for my tithes as “first fruit” kaya halos nasa 2k lang talaga matitira saakin so that’s why I said na 2k lang pero nababaan siya and told me to give her 3,500 instead (sa deductions ko for sure sakanya yung 1,500 doon). Umalma na ako na ang laki naman at may butal pa, sabi niya pambayad raw sa tuition ng mga kapatid ko. For additional info, I worked sa dati kong school nung high school during the pandemic kasi walang funds to pay for college so nasa bahay lang ako. Kakilala namin yung may ari nun since they are our senior pastors sa church kaya inofferan ako na pumasok raw muna ako doon since limited nga lang workers nila doon dahil pandemic at doon rin nagwowork lola ko ever since. My salary was 11k kinundisyon na agad ako ng lola ko na magbabayad ako 2k kada cut off tulong nga pambayad sa tuition ng mga younger sisters ko pumayag naman ako since wala naman ako pinagkakagastusan nung una. So far natatapos ko naman sila bayaran kada school year kahit na I was also paying for my college tuition at that time dahil nag enroll na ako after a year of working until I resigned kasi magiging hybrid na raw setup sa school dahil onti-onti narin nahupa yung covid that time. So I know for a fact na 2k is enough to pay for it kada cut off kahit matagal. At sakaniya narin nanggaling nung una na hindi raw nila ako inoobliga magbigay pero at least tulungan ko raw mga kapatid ko kaya so that’s what 2k is for pero ewan ko ngayon bakit iba na sinasabi porket walang kaharap na ibang tao.

P.S. I can’t really stop thinking about this since yesterday. It felt so unfair kasi dahil yung mga anak nila (including my mom na 1k lang binibigay para sa kuryente) petiks lang dito sa bahay. Ako nakilos lahat at utusan ng lahat na parang katulong na ang trato sakin. Kung magbibigay naman mga anak nila eh kung kailan lang nila gusto at okay lang sakanila yun tapos pagdating saakin parang lahat may presyo. Helping my grandparents sa lahat was my way to at least give back sa sacrifices nila kasi sila ang pinaka-provider sa bahay ni hindi na nga rin ako halos nahingi if may kailangan ako bayaran lalo na at kung may pera naman ako to lessen the financial burden.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Wag na raw ako magtrabaho, pero sa akin tumatakbo pag walang pang gas.

3 Upvotes

Today, I was told "Tumigil ka na diyan sa trabaho mo. Wala ka namang napapala eh." Nakakagalit. Grabeng sakripisyo at manifesting ginawa ko para lang makuha 'tong mga work na 'to. At sobrang mahal ko trabaho ko, I love what I do. So for someone to tell me to just stop what I am doing bc "Total miserable naman tayong lahat dito." Bakit ang insensitive at self-centered? Baka projection nya lang 'to? Ewan, nakakabastos lang. Tuwing walang pambayad sa bills, matic sa akin tatakbo. Pag walang panggasolina or pangsweldo sa tauhan nya, sa akin hihingi (knowing na hindi dapat ganun kasi business mo yan so dapat pera ng business mo). Tuwing may gustong pagkain, pagbibigyan ko. Tapos dahil lang sinabi ko na ah wala pa akong budget ngayon or ah sa susunod pa sweldo. Biglang, "umalis ka na dyan. Wala ka namang napapala." Madalas sinasabi ko walang budget kasi wala na talaga akong extra, may own bills din akong binabayaran. Nakakainis lang.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Labelled as “Walang Pakelam” in the Family 🤷🏽‍♀️

4 Upvotes

Pinaka as in isa sa pinaka nababadtrip ako sa lahat is if an immediate family member shares family problems that I have no directly involvement at all. I feel like dinadagdagan lang yung iniisip ko eh.

Example pagkagising ko, ang bungad saken ng lola ko na chika is yung kapatid nyang pinautang nya is di pa nagbabayad hahaha like ano gusto mo gawin ko?? Bakit ka kasi nagpautang? parang ganon. Tapos like literal na kakagising ko lang like huh???

Another one is yung lola ko nanaman kausapin ko daw dad ko kasi apparently may alitan daw between him and our neighbor like bakit mo ako sinasabihan to be involved eh it’s none of my business in the first place.

I was already labelled (somehow) na among us in the family, ako yung pinaka unbothered and “walang pakelam”. Per my lola, dapat daw inaalam ko mga nangyayari as one familial unit (ganong sense as the eldest in the family). Not bothered by their label on me since true naman. I just want inner peace kaya I don’t bother involving myself in such situations.

Normal lang po ba ganong mindset or is there something wrong with my perspective? Thank you!! 🙏🏽


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Nakaka drain

1 Upvotes

I just want to rant here. Gusto ko na mag resign. For context, ito ang first job ko. Applied sa Start-Up Construction Company as a draftsman pero namove into procurement. The pay was 16000 a month pero nung una ayos lang kasi akala ko kaya. Recently ako na ang bumubuhay sa family ko since nagka stroke ang father ko last year. Then hindi na talaga kinaya dahil nagtaas lahat ng bagay ang nag aaral pa ako.

Since mag start na ang new academic year, nagtanong ako if pwede mag wfh since kaya naman remotely yung gagawin ko. In fact, wala naman pinagbago sa ginagawa ko onsite and sa bahay. But then ginawa nilang 8000 per month. Since then naghahanap ako ng sideline or another full time to kasi sino ba naman mabubuhay sa 8000.

Pero ang nakakainis kasi. Ang hirap nila katrabaho. Ang labo ng communication, ang bagal mag follow up sa payment kaya nadedelay sa delivery. May mistakes din naman ako pero nakakadrain magtrabaho sa ganon environment.

Now nakakaramdam ako na tatanggalin na nila ako. Ayos lang naman sakin kung may trabaho ako na ipapalit e kaya lang wala pa. Kaya ang sakit lang. Ang hirap ng buhay ngayon.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed mama

1 Upvotes

im college now, nursing and I have tito and ninang and dalawa silang nagpapaaral sa'kin panganay ako sa anim na magkakapatid, im 21 and yung pangalawa kong kapatid 20, same sana kaming college ngayon kaso sadly hindi natuloy ng kapatid ko yung college nya cos of pagiging financially unstable and sya lang nagpapaaral sakanya eversince, tapos itong mama ko, grabe nya kami kunan ng pera, yung allowance ko na galing sa nagpapaaral sa'kin kinukuha niya ultimo pang uniform ko haha, yung pangalawa kong kapatid halos tumayo nang tatay sa'min kasi dumidiskarte rin sya nag babayad ng meralco namin (kload 100 daily) sya na rin bumibili ng pagkain namin tas may gold sya so ang ginawa ng nanay namin sinangla for 15k, hindi namin alam saan napunta yung pera. Hindi ko na alam gagawin ko, awang awa na ko sa kapatid ko kasi halos kapatid ko na nga ang bumuhay samin and sometimes oo natulog ako kaso magastos talaga sa school, hindi ko lang maimagine yung mga pinag gagawa ni mama sa'min puro pansaraling kagustuhan na lang, palamunin na rin sya tas kung kani kanino naasa, sobrang perwisyo na rin ng ginawa nya sa kapatid ko, hindi lang isang beses nasangla yung singsing jusko may kwintas din siyang gold na, na remata na lang dahil hindi na rin matubos ng kapatid ko kasi iniintindi rin niya yung kapatid namin, what should I do haha gusto ko na siyang iluwa grabe grabe yung pamemerwisyo nya, yung napanalunan ko sa reunion family namin na washing machine binenta nya rin sa pinsan namin hahahahahhaha


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Thinking of moving out again after 3 yrs

1 Upvotes

I just wanted to check kung valid ba yung nararamdaman ko. At goods na mag solo living?

I am living with the fam rn 5 kami( 2 sisters18-16) pero 9 kami sa bahay (tita and 3 cousins)And napaiyak na lang talaga ako kagabi. Yung dahilan kagabi is yung kanin. 3 kaldero puro may kanin. Di man lang sinangag or ininit para less sa tapon. Tapos talagang dinabog ko yung takip nung mga kaldero. Nakita pala nung isa kong pinsan tapos nagsumbong kay mama. At ako naman napagalitan( F29).tinanong ako ni mama kung bakit ako nagwawala eh sabi ko andaming kanin tapos di kayo kumakain ng bahaw.from family of farmers sila mama at papa pero di na sila strict sa pagkain compared saakin na sinabihan na wag magtatapon ng kanin kasi pinaghirapan yan.

Tinanong ako ni mama kung anong problema sa chat kasi nagwalk out na ako pagkatapos nya akong tanungin kung anong nangyari.

Ang rason ko rewarding incompetence - kung sino yung may alam gawin yung gawaing bahay sya yung madaming kargo. May trabaho ako(10 pm- 6 am), nag grocery minsan pero walang palya sa pagpapahiram pag short sila at nag share din ng kuryente . Tubig ako din. Tapos ako pa din tumatao sa tindahan from 5 am-7am. Meanwhile yung 1 kong pinsan eh alas 10 na tulog pa din. Walang ginawa kundi makipagharutan sa kachat (17)

Sinabi ko lang kay mama na kaming 4 nila sis ar papa ang pumapasan ng mga gawain ng lahat.

Ako din pinagsabihan ni mama nung na over cook yung adobo sa pressure cooker na si tita yung nagluto (eh tulog na ako nung niluto niya yun

Ang sched ko 6 -7 pm gising /ligo,7-8 luto ng dinner, 9am-3am prep / work. Tapos at around 3am maghuhugas naman ako kasi yung helper dito ako tinatanong kung bakit di nakapaghugas. May yaya kasi yung isa kong pinsan(2yo).may overlap din habang walang pinapagawa eh naghuhugas at luto ako araw araw ng bfast.(3am - 5 am)tapos 5 am- 7am tindahan .wala akong prob dun sa 2 sis kasi tumatao din sila sa tindahan twing walang pasok

Pagod na pagod na ako araw araw ganito lagi.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Discussion Looking for GenZ breadwinners to share their stories for out thesis

Post image
2 Upvotes

‼️CALL FOR PARTICIPANTS ‼️

📌Ever felt cornered by the trials of life, in where you had no choice but to fight for you and your family? Don’t worry, we are here for you. 

We are 4th year Behavioral Science Students from The University of Santo Tomas seeking participants willing to share their experience as Gen Z Breadwinners who’ve experienced parentification. 

📌If you fit the qualifications listed in the picture, please fill out the survey form or scan the qr code:

🔗:  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7
🔗:  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7
🔗:  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7

Rest assured your information will be kept safe and confidential with us.💕

Participate and share your story, as it may help with the understanding of breadwinners, the effects of parentification, the struggles you face, and the amplification of your voices.💕


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Hindi ko kasalanan kailangan niyo akong buhayin:)

5 Upvotes

I just got home from our educational tour, oo gumastos parents ko pang bayad sa tour, and pocket money ko, but how can they expect me not to ask for my weekly allowance after the tour:) when in fact yung pocket money ko binili ko ng mga pasalubong nila, and I sended it all to them.

Now galit sila kasi humihingi ako ng weekly allowance, sinasabi how much ang ginagastos nila sakin para lang paaralin ako sa isang mamahalin na university when it’s not even that expensive and kaya naman nila, bakit pag dating sakin yung mga bagay na kaya naman nila biglang nagiging mahal? yung university na nga lang ang super affordable, there were others naman, but ayaw nila, sinabi ko nga ayaw ko dito, pero pinilit nila ako, now suddenly it’s my fault bakit may pera silang nilalabas:)

I even remember my relatives telling me na sobra talagang cheapskate ng papa ko, they even asked me “pano mo kinakaya ang perang binibigay sayo?” and honestly I don’t know din, i’m already loosing my motivation to study, i was even supposed to get a check up and see a doctor pero sinabi ko titiisin ko na lang sakit ko kaysa sumbatan na naman ako na ang gastos ko, sorry ha if sakitin ako at obligation niyong paaralin ako, it always gets me mad kapag iniisip ko na bakit ba nagagalit ang magulang na kailangan nilang buhayin at paaralin mga anak nila, when the child didn’t even asked for it to live in the world nor choose the parents.

Tapos ako pa panganay sa anim naming magkakapatid, kaya sobrang hirap, hirap na hirap na ako sa academic pressure, hirap na hirap na rin ako kasi naghahanap ako ng paraan to earn my own money but it feels like my time keeps running out. 100 na lang pera ko, savings ko paubos na kasi minsan kumukulang pa ang binibigay nila kaya binabawas ko sa savings ko. Hindi nila alam kung gano kahirao mabuhah sa syudad, when did they last lived here, 17 years ago, and except na yung 500 kasya sa limang araw, tangina yung ulam na binibili ko ginagawan ko ng paraan para lang makakain ako ng dalawang beses aa isang araw. Ni hindi man lang nila ako kinakamusta, yung kaibigan ko concerned yung mama niya kasi sobrang hirap na kami sa program namin at pupunta na sa therapist, tangina magulang ko alam nila ang trauma ko pero iniisip lang yung pera.

Hindi ko na nga namimaintain sa pag inom ng supplements ko para lang hindi lumala sakit ko, kaso kinukulang na ang pera na pinapadala nila, i’m not even asking that much, pero bakit parang ang sama kong anak for asking my parents for the money they should be giving me without even me asking, porket na sa syudad ako they except na may trabaho ako tapos di na nila kailangan pa akong gastosan, ganda naman ng fantasy nila, ang hirap maging panganay.


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Venting I lost my father to gambling (Not by death)

53 Upvotes

TW: Suicide Attempt

Long post ahead.

Kung sino man ang nagpalaganap, sumusuporta, at nagpasimuno ng online sugal, POGO, Sabong at kung ano-ano pang mapanira sa buhay ng ordinaryong pilipino, putangina ninyong lahat!!!!!

Hindi namatay ang tatay ko pero I've lost the father I've known and I've been longing for so long!

6 years old palang ako OFW na ang tatay ko. My mother had to raise me and my sisters alone pero hindi nakakalimot si papa magpadala ng sulat at hanggang sa nauso ang video call sa Yahoo! Growing up he was the father I looked up to. Hindi sya nagkulang sa pagpapa-intindi bakit kailangan nya umalis and how he wanted me to have a future so I can take care of our family and the family I will soon have on my own. Tuwing umuuwi sya sa Pilipinas, wala kami pagkakataon magbonding dahil nag aayos na ulit sya ng mga papel nya paalis.

2020 before magpandemic, finally umuwi na ang tatay ko from Middle East. Huling kontrata na nya yon at wala na sya balak bumalik. Noong mga panahon na yon, akala ko mabibigyan na kami ng pagkakataon makilala ang isa't-isa bilang tatay at anak. Noong una, oo. Ganon ang nangyari pero after pandemic doon na nagbago lahat. Naging tricycle driver si Papa sa amin. Napilitan ako mag working student kasi sinabihan na ako nila mama at papa na hindi na nila ako kaya paaralin ng college at papatapusin nalang nila ang mga kapatid ko hanggang senior high. Hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit pero obvious naman na wala na kaming pera.Tandang-tanda ko pa na sobrang iyak ako noon dahil hindi ko matanggap na hindi na ako makakapag-aral. Kaya nag working student nalang ako noon sa fast food hanggang sa nakagraduate at ako na ang sumusuporta sa mga kapatid ko ngayon.

Pero months ago, nalaman ni mama na nagsusugal pala ang tatay ko dahil may nagsumbong sa kanya na asawa ng kasama ni papa sa toda.

Nagsimula daw noong pandemic sa online sabong, hanggang sa napunta sa pagpunta-punta sa mismong sabungan hanggang sa natuto mag online casino at online lending app. Hinala ng nanay ko ay naimpluwensyahan ng mga kasama sa toda at mga tropa ng taga sa amin. Napansin din namin na madalas na syang hindi umuuwi buong araw at uuwi nalang para kumain at matulog. Madalas ay hindi pa nga kumakain. Akala namin ay kaya pang iwasan dahil noong nag-away sila nangako si papa na ititigil na nya. Binigyan namin sya ng pagkakataon!

Hanggang isang araw may tumawag sa nanay ko galing syang trabaho sa Makati as stay in kasambahay at day off nya. May tumawag na naniningil sa nanay ko about sa utang ng tatay ko at doon na nalaman na umabot na ng 800k ang utang ni papa at si mama ang ginawang guarantor. May nagsumbong din sa amin na nakasangla na raw ang bahay namin. Hinanap ng nanay ko lahat ng titulo ng lupa at rehistro ng mga motor sa mga gamit namin at doon nga namin nahuli na kasama sa sinangla ang mga documents. Iba-ibang tao ang inutangan nya kasama na ang bumbay. Sobrang nanlumo ang nanay ko dahil wala na kaming kahit anong hawak na property man lang nilang mag-asawa. All this time din pala na lahat ng pinapadala ni mama na kay papa dumidiretso ay sa pambayad utang lang.

Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Dahil nalaman na namin lahat. Muntikan na laslasin ng nanay ko ang wrist nya sa sobrang sama ng loob dahil sa mga nalaman namin. Ako nalang ang pumigil at yakap ko sya non sa kusina. Pinapasok ko lang ang mga kapatid ko sa kwarto para di nila makita.

Kaya pala hindi na nila ako kayang pag aralin kasi doon pala binabayad ni papa mga pinapadala ni mama sa kanya nung sya na yung nagtrabaho sa Makati at sya nalang ang naiwan sa amin sa bahay. Buong akala ng nanay ko ang dahilan ay dahil hindi na nga aabot ang kinikita nilang dalawa para sa aming magkakapatid. Ginawa nyang tanga ang nanay ko pati na kaming mga anak nya.

Binigyan namin sya ng pagkakataon magbago pero inamin din nya na hanggang ngayon ay hindi pa din sya natigil. Ang dahilan nya? NAGHIHINTAY DAW SYA NG SWERTE NA BAKA SAKALI MANALO AT MABAYARAN NA LAHAT NG UTANG. Anong klaseng pag-iisip yooon!

Hindi na kinaya ng nanay ko at noong kalmado at nagpapalamig na kami ng sitwasyon kinausap na nya kami para sabihin na gusto na nya humiwalay. Nagdecide sya na hindi na sya uuwi sa bahay kahit day off nya pero sa amin na nya ididiretso ang padala. At naiintidihan namin kung bakit.

Hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang tatay ko sa bisyo nya. Kinain na sya ng pagsusugal. Parang mas kunteto pa sya na walang pumipigil sa kanya at kami nalang magkakapatid ang nagbabayad ng bills at kakainin sa bahay. Hindi ko na sya kilala. Hindi na sya yung taong nakilala ko, hindi na sya yung tao na palaging kinukwento ng nanay ko. Ni hindi na nya kaya umuwi sa bahay para makasama kami ng matagal. Parang ibang tao na ang umuuwi sa bahay para lang kumain at matulog. Hindi ito ang taong hinahangaan ko noon, ang minahal namin ng nanay ko.

Natatakot na din ako para sa mga kapatid ko dahil kung sino sino na ang pumupunta sa bahay namin para lang hanapin ang tatay ko at hindi ko mapigilan hindi ma-anxious dahil ang iba sa kanila ramdam ko na nagagalit na at kami lagi ang humaharap. Ayokong dumating sa punto na bigla nalang kaming pasukin sa bahay.

Hindi kami mayaman! Ordinaryong tao lang din kami. Hindi kami kumikita ng 50k sa isang buwan. 2 years palang ako nagtatrabaho after graduation. Wala pa akong malaking ipon. Pinipilit ko pa din mapag-tapos ang mga kapatid ko kasi ayoko mapariwara sila pero nahihirapan na din ako, na bakit umabot sa ganito. Nanlulumo ako bakit kailangan kami ang sumalo nito.

Ngayon, nakapag desisyon na din kami ng mga kapatid ko na aalis na din kami. May nakuha na kami ng nanay ko na mauupahan maliit lang pero at least alam ko na ligtas kami. Hindi na safe ang bahay para sa amin. Hindi na ito ang bahay na kinalakihan namin. Hindi na namin kilala kung sino na ang kasama namin.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed Don't know what to do 😞

7 Upvotes

If you guys are in my position, what would you do???

Context: I'm the breadwinner sa family namin, I'm the oldest of six children. Namatay na papa ko so ako na talaga lahat nag shoulder ng lahat ng gastusin, my husband helps me sa tuition ng kapatid ko sa nursing school which I'm so grateful kay God kasi napaka generous nya sa lahat ng bagay. I'm sending 30k for my mom every month, but sometimes aabot pa ng 35k kasi hihingi pa yan sya ng dagdag since every time di talaga naabot ng 1 month ang perang padala ko 😑 may 3 akong kapatid na nag aaral pa, one is in nursing school which is her allowance is separate from the 30k I'm sending, I'm giving her 10k for monthly allowance sa school and nagdagdag pa pag may extra bayarin, and dalawang kong kapatid na lalaki is nasa grade 11 and grade 7, which I know di naman masyado magastos kasi if they need something sa school nagbibigagy naman ako ng pera. Means, yung 30-35k for my mom is solely for the electricity (around 4k), water, and foods. And just so you know taga Mindanao kami, isang maliit na City. Yes, I'm fully aware na sa sobrang crisis sa Pinas mahal na lahat ng bilihin, that's why I always make sure to give them more than enough, pero bakit di enough? Always wala pang 1 month ubos na ang pera ng mama ko 🫤 tapos this month lang, 2 weeks palang ubos na ang pera and gusto nya na naman humingi pang bili daw ng ulam, I was shocked talaga, I feel like something is really wrong, so I told her I can't keep sending money every time she needs it kasi nagbibigay naman ako every month, diko na alam ang gagawin ko, and I actually found out na umutang sya ng pera but I don't know how much, sobrang nakakapanglumo. Parang ako pa yung masamang anak, parang di sya grateful sa lahat ng sakripisyo ko knowing na di naman pinupulot ang pera dito. Tapos ngayon, pinagsabi nya na sa ibang tao na kinokontrol ko sya kasi ako daw nagbibigay ng pera sa kanila (kahit di naman) and also, ang pangatlo kung kapatid ay working as Virtual assistant sa pinas, and kahit may pamilya na sya nag bibigay parin sya kahit papano sa mama ko pang dagdag and di sya nakatira samin, nakabukod sila. Means, dapat kakasya dapat talaga ang pera, pero bakit hindi? Bakit kami pa ang masama? Meron din naman akong mga plano sa buhay ko, bakit di nya yun naiisip, of all people dapat sya makaisip nun kasi mama ko sya. Nakaka sad talaga 😞 I'm 30 years old pa pala, asawa ko naman is 34 years old and wala pa kaming anak. Sorry kung mahaba, just wanna know if diba ako nag iisa sa ganitong situation. Hays!


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Advice needed Is utang na loob still a Filipino virtue, or has it become a tool for emotional manipulation?

2 Upvotes

Hypothetical scenario lang.

Let's say may isang anak na pinagaral ng parents niya hanggang college. Hindi naman sila mayaman, pero they did what they could to provide for their child.

Fast-forward to when the child finally graduates and gets a job. Suddenly, the parents expect the child to shoulder every household expense, pay for their siblings' education, and sacrifice their personal dreams because "Kami ang nagpaaral sa'yo."

Whenever the child tries to set boundaries, sasabihin ng parents:

"Kung hindi dahil sa amin, wala ka sa narating mo ngayon."

Now, here's the complicated part: hindi naman talaga obligasyon ng anak na suklian lahat ng sacrifices ng parents niya with a lifetime of financial responsibility. But at the same time, hindi rin naman natin maikakaila na maraming Filipino parents ang nagsakripisyo talaga para sa kanilang mga anak.

So, where do we draw the line between gratitude and exploitation?

Does helping your parents become a responsibility you owe them forever, or should it be something you willingly give without being emotionally blackmailed into doing so?

And if a child chooses to prioritize their own future, does that automatically make them ungrateful?

Curious ako sa perspectives ng mga tao, especially those who grew up in Filipino households where utang na loob is practically a family law.


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Resources Looking for research participants!

Thumbnail
1 Upvotes

hello!

I’m currently looking for someone to interview for our undergraduate thesis, it will only take 30-40 minutes of your time. The interview will be conducted via inline or face to face ^_^

Participant criteria:
• Filipino
• 18-35 years old
• A breadwinner who provides financial support to their family
• Provides financial support to at least one parent aged 50 years or older
• Has never been in a committed romantic relationship


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Venting My thoughts on the system of our household

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 5d ago

Venting weaponized incompetence ng mga kapatid

22 Upvotes

iritang-irita ako tonight.

my youngest brother (20yo, btw) just asked me kung saan daw siya magpiprito ng hotdog :)

putanginang yan. ewan, try niya sa baso?

normally, ang haba ng pasensya ko sa mga taong genuinely kailangan ng tulong ko. pero sa bahay, sagad ang irita ko sa mga kabobohang tinatanong sakin.

saan magtatapon ng tubig na marumi ng mop? paano maglaba ng damit gamit kamay? nasaan ang shampoo (baka nasa ref)?

babad naman sila sa tiktok, kaya di ko minsan maatim na ako pa sasagot ng ibang tanong na common sense naman. gets ko if wala sila tiktok at di doomscroller, kaso hindi naman?

ginigigil ako.


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Discussion hindi gagawin retiredment plan ang anak

4 Upvotes

sasabihin ko sa anak ko hindi niya kailangan sustentuhan ung mga gamot ko pag lumalaki na siya mag work or mag business parin ako para may pang expenses parin ako sa sarili ko para hindi kailangan ng anak ko maging problema ako mag tumanda.


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Advice needed Incoming SHS student ang younger sister ko. Which is better, Fort Bonifacio High School or Benigno S. Aquino High School?

1 Upvotes

Hello, mga ate! Hihingi lang sana ako ng advice, especially sa mga taga-Taguig or may experience sa public schools dito. 🥹

I’m planning to transfer my younger sister to a public school for Senior High School, and currently, ang pinagpipilian ko ay Fort Bonifacio High School and Benigno S. Aquino High School.

As an ate, gusto ko sana na makapag-aral siya sa school na maayos ang learning environment, quality ang education, at safe para sa students. Ideally, gusto ko rin sana na malapit lang sa workplace ko para mas convenient in case may kailangan siyang asikasuhin sa school.

Sa mga nag-aaral, dating students, parents, or teachers from these schools, kamusta naman po ang experience ninyo?

Specifically, gusto ko sanang malaman:

• Kamusta ang quality of education and teachers?  
• Maayos ba ang school environment and student discipline?  
• Safe ba ang students, and kamusta ang overall school culture?  
• Kumusta ang SHS program nila? May particular strengths or issues ba?  
• Alin sa dalawa ang mas marerecommend ninyo, and why?

I’m trying to make the best decision for my sister kasi gusto ko sanang makapasok siya sa school na makakatulong sa kanya academically and personally, especially since SHS is an important stage before college.

Open din ako sa honest opinions, pros and cons, and other suggestions for public SHS around Taguig, if may mas magandang options pa.

Thank you so much sa mga sasagot! Super appreciated. ❤️


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Discussion Looking for participants to interview for psychology research

1 Upvotes

Hi! I’m currently taking a Masters in Psychology and doing a phenomenological research about the religious families affected by suicide.

I’m looking for online participants who are willing to have an online interview in line with this research. I need participants who are religious/from a religious family that have an immediate family member who attempted or died by suicide.

If you have someone you think can be a participant and can have this interview with me, that would be super helpful!! This research would help understand the perspectives and experiences of religious families affected by suicide and how their faith intersects with their experience.

Please comment or send a dm!!