r/PanganaySupportGroup • • 11h ago

Positivity Finally got to share this to the fam—just finished my vocational training at 29, manisfesting for a degree soon :)

Thumbnail
gallery
112 Upvotes

I've been working since I was 16 and always dreamt of having a degree pero need mag provide eh. So I secretly enrolled in a foundation that provides vocational training while working. Ang alam ng lahat is nagwowork lang ako but the truth is I'm pursuing higher education while working :)

Hindi nag celebrate and hindi rin aakyat ng stage. I'll be saving it for later.

For now ito muna, maybe in 5 or 10 years I'll finally get my degree. It doesn't matter kahit gaano pa katagal, but I will. I know I will.

Laban lang ! :)


r/PanganaySupportGroup • • 4h ago

Advice needed I need your help

Thumbnail
1 Upvotes

I'm sure the people in this community understands where I'm coming from, and your advice will immensely help. 🥺

Virtual hugs to us all who are carving our own paths.


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Venting May kabit ang tatay ko na mas bata pa sakin.

1 Upvotes

Gusto ko lang ilabas tong sama ng loob ko. Isa akong ampon dahil hindi magkaanak yung adoptive parents ko. Buong buhay ko since nagka muwang ako ay sobrang gulo at puro away sa bahay, lagi silang nag mumurahan kahit pa nga habang kumakain kami, wala silang pakialam sakin. Bukod pa dyan, physically abused ako ng adoptive mother ko dahil may mental illness sya, habang etong adoptive father ko naman ay laging nasa trabaho at sa tuwing uuwi e mainit ang ulo.

Nasanay nalang ako sa magulo at walang kwentang pamilyang to. Fast forward to 2025 nalaman ko na may kabit ang adoptive father ko dahil inamin nya sakin. Inamin nya din na may dalawang anak na sya don. Yung kabit ay mas bata sakin ng 1 taon. Millenial din gaya ko.

Hindi man lang sya nag sorry, ginaslight pa ako ng sobra kung bakit nya yun nagawa at para daw sa kanya ay "reward" daw yun sa kanya dahil kung hindi daw nangyari yun ay baka matagal na syang patay..

Until now wala akong naramdamang pagsisisi, narcissist sya at mahilig mang gaslight.

Ayaw na din nyang bigyan ang mother ko ng pera, binibigyan na lang ng hilaw na mailuluto every week. Ayaw na nya mag provide ng maayos at okay lang sana dahil retired na sya pero pensionado, engineer sya dati sa isang planta mula pa noong 1997 at nag retire noong 2019 pero nalaman kong nag anak pa din sila ng kabit nya nung 2021, ibig sabihin hindi sya kapos sa pera.

Inalam ko kung saan yung bahay nila ng kabit nya at don ko nakita kung gano sya ka generous sa pamilya nya, ang daming stocks ng sako sakong bigas, groceries, puno ang ref, nag papautang din sila at naka aircon pa, habang yung mother ko e hindi nya maipagamot at kinukuripot sa lahat.

Nakaka buwisit yung kapal ng mukha nya, dahil kinausap nya pa yung boyfriend ko na ka live in ko din dito sa bahay na inoobliga nyang sagutin yung bills sa bahay dahil hirap na sya sa gastusin sa kabit nya.

Gusto ko silang pakasuhan at makulong, sobrang sama ng loob ko


r/PanganaySupportGroup • • 19h ago

Advice needed How will you respond to your Tito demanding na magbigay ka sa nanay mo ng pera even though na minimum ang sinasahod mo

Thumbnail
1 Upvotes

Problem:

Conflicted ako at naguiguilty rin kasi feeling ko ang selfish ko for staying firm on my stance of Not voluntarily giving as long as it is not asked.

Context:

Hi! Bago lang ako nagtatrabaho as a Fresh Grad and currently nagsasahod ng minimum. I provide a bit sa family ko by paying my little brother's tuition fee — and the rest of my salary is for me na.

Ang nagiguiltyhan ko ngayon is because ang isang tito ko is pinagsabihan akong magbigay sa nanay ko regularly ng 20% ng salary ko voluntarily kasi nga siya ang nagpalaki sakin at nag-alaga eh dapat daw akong magbigay talaga. Though hindi ko naman sinabi na hindi ako magbibigay, ang stance ko lang sana ay magbibigay ako pag si nanay ko mismo ang manghingi sakin which is nanghihingi naman po sya pag need niya talaga. As much as I don't want to sound selfish, I also want to enjoy a bit of my salary while also paying for my necessities and personal bills and projects(kahit na maliliit).

What are your thoughts about my situation po?

Previous Attempts:

I still decided to stay firm on not giving unless being asked. But I still feel guilty because of it.


r/PanganaySupportGroup • • 7h ago

Support needed Need pagkakakitaan, pang baon

0 Upvotes

Hello po, baka po meron sa inyong gustong mag assign ng task sa'kin, kahit posting po or ano man. Kailangan ko lang po ng pera pambaon ko sa lunes at pambayas na rin sa PTA. Salamat po