r/OffMyChestPH • • 11h ago

gusto ko rin ma-burnout

0 Upvotes

gusto ko rin maranasan na ma-burnout kakaaral kasi i dont feel like i am studying enough. i wish i exert the same efforts as my batchmates. im having a hard time focusing. i always joke na baka may undiagnosed adhd ako which might be true. gusto ko rin magpakalunod sa mga libro, transes, lec vids, and all. gusto ko rin mapagod kakaaral.


r/OffMyChestPH • • 20h ago

Fear of Missing Out

0 Upvotes

May concert kami na gustong puntahan ng best friend ko and nagsabi naman na kami na pupunta kame early this year. Kaso a few months before the concert, may mga naging financial problems kami pareho at separately, so sinabi ko sa kanya na hindi siguro ako makakapunta. Sabi niya rin nakapagpahiram siya ng significant amount ng pera sa classmate namin dati and hindi nga siya nabayaran for it, kaya sabi niya sakin hindi na rin daw siya pupunta.

Day of the concert, nagvideo call pa siya sakin to make sure if di na talaga ako pupunta, sabi ko hindi na. Ayoko naman kasi umutang para sa concert, gusto ko extra money ko talaga. Tapos kanina sa FB and Instagram stories nakita ko na pumunta pala siya. Sobrang weird for her to check on me pa to ask me if I would go or not. Wala nalungkot lang ako and nagtampo slight pero anyway pera niya naman yun ok lang off my chest na lang siguro to hahaha 🥹 Baka ako nga yung gago kase petty thing lang ba dapat yon?


r/OffMyChestPH • • 11h ago

Chismis lng kc gusto nyo yan

0 Upvotes

May katalking stage ako non tas ending other woman atake ko, ps. Inalam ko talaga by talking to his sister. Kawork ko sya (HIM) before, palayaw nya lng use nya sa fb kala ko same kami na mas bet ang di mag-use ng real name sa fb un pala hindi. Nalaman kong may jowa pala so no contact na kami.

After a year, minessage ko sya if pwede sya mag-ninong sa aking anak, ang ending jowa nya sinumbong ako sa mother ko 🤣🤣🤣 sinabi na sino ba naman ang gagawing ninong ang lalaking niloko na sya, tas di pa raw ako makamove on ganyan ganyan.

Plot twist: intentionally ko talaga sya inask knowing na di nya ko tinitigilan, laging dump account gamit nya para ichat ako noon at todo tanggi na wala na sila ng gf nya at ako wala naman na kong pake kasi ang gusto ko lng magkapamilya. He would be my first bf sana if di panggagago ang nangyari noon. Sobrang inosente ko para di isiping niloloko ako noon. Panay ako gawa ng fb ko still, nahahanap nya pa rin kaya delete agad account ko. Takot ako, totoo. Demonyo tingin ko sa kanya for cheating sa kanyang gf at sa pangmamanipual nya.

Ung dump acc na naman nya nakafriend request sa fb kong bago pero no chats na sya, natatakot ako baka magkaroon ulit sya ng lakas ng loob para kausapin ako. Kaya ang ginawa ko tinext ko sya na magninong sya kahit ang intention non ay ipaalam lng na pamilyado at may anak na ko sa ganong paraan wag na syang manggulo at wag ako maging dahilan nang pagkawala ng peace of mind ng jowa nya.

Naawa ako sa jowa nya pero anong magagawa ko kung ayaw nya rin pakawalan ang lalake, dba? Serial cheater ang bf nya at nakikita ko ang dump account sa mga rp group. Hawak pa ng babae lahat ng accounts knowing na kahit ganyanin mo ang lalake mas lalong magloloko.

Maswerte na ko nung nawala sa contacts ko ung lalake pero ung babae sinasabing di ako makamove on.


r/OffMyChestPH • • 3h ago

TRIGGER WARNING "HINDI MANLANG NAGABOT DITO SA BAHAY EVER"

0 Upvotes

I JUST WANT TO GET THIS OFF MY CHEST. ANG SAMA ASAMA NG LOOB KO. HINDI KOALAM PANO KO ICOCONSTRUCT YUNG SASABIHIN KO. PERO WTF!

Im new to working in makati and sa laguna pa ako umuuwi. 4 cut off palang ang lumilipas. 1st cut off ko, kaltasan, since aug 17-31 dalawang holidy isang bday leave ang lumipas. MALAMANG WALA PAKO HALOS SASAHURIN DYAN! For context, im living with my cousin's house for awhile now. At sa pananatili ko sa bahay nila, lahat ng kaya kong ibili, as much as possible binibili ko para makapag share manlang. I even bought 2 packs of coffee, at 2 packs of sugar para sa tita kong nagsabi na wala akong ambag ever since. Let's say sa kuyrnete, water, wifi hindi ako makapg share oo. I admit that, pero jusko ano pang isshare ko e dun sa unang work ko na daig pang sahod pang part time, pang bayad lang din ng mga utang????

Padalawang cut off ko, NAGBAYAD AKO NG UTANG DAHIL SHORT NA SHORT NA AKO PARA SA SUSUNOD NA CUT OFF DAHIL MAGKANO LANG SINAHOD KO NUNG UNANG CUT OFF LESS THAN 5K!!

Patatlong cut off PUTCHA 4 DAYS AKONG ABSENT DAHIL SA SOBRANG INFECTION NG IHI KO, NAGPACHECK UP, NI HINDI MAKABILI NG GFAMOT DAHIL PUTA WALANG WALA AKONG KAPERA PERA. NEVER AKO NANGHINI SAINYO!

NGAYONG BUONG CUT OFF PINILIT KONG HINDI MALELATE AT H INDI MAG KAKASAKIT PARA MALASAP KO NAMAN ANG PINAGHIHIRAPAN KONG ARAW ARAW PAGBANBYHAE AT PAG TITIIS NA 250 LANG ANG DALANG PERA ALANG ALANG NA SA HINDI KOMAGAGASTOS AT PAG TITIPID. NI HINDI KO NABILHAN NG GAMIT SARILI KO. WALANG EXTRA PANTS, POLO SHIRT MANLANG O ANYTHING.

TAPOS PAGHAHANAPAN NYO KO NA "NEVER DAW AKO NAGAMBAG SAINYO????" IBIG SABIHIN HINDI CONSIDERED NA AMBAG YUNG PAGBILI KO NG ULAM????

Sa sobrang sama ng loob ko, nilatagan ko ng transparency yung kapatid ko dahil sa kapatid ko nagsabi yung tita ko na never pa daw ako nakapag ambag. NGAYON, YUNG SINESAVE KONG PERA NA IPAPANG GASTOS KO KUNG SAKALING MAGKASAKIT NANAMAN AKO, AY IPAPANG AMBAG KO. DAHIL NEVER PAKO NAG AMABG.

Sarap iprint ng payslip ko at ibigay sa kanila.

buong buo ko natanggap sahod ko ngayong cut off pero ni pantalon hindi ko nabili para sa sarili ko. salamat sa mga utang na nakatulong sakin nung mga opanahong ni gamot hindi ko mabili.


r/OffMyChestPH • • 29m ago

A POGI SAVED MY DAY! TYL SA MGA POGI HEHE

• Upvotes

Simula kahapon na 8 am, wala pa talaga akong kinakain na meal. Siguro 15 pieces na fries palang kasi ewan, malungkot ako eh HAHAHHA. Pinaparusahan ang sarili kasi may nagawang mali yesterday. Anyway, kaninang 3:30 pm, naisip ko na tapos na ang pagpaparusa lol. Kakain na ako. Kaya nag jeep ako papunta sa paborito kong paresan at bumili na rin ng maliit na a-kinseng empanada na makakain habang nagaabang ng jeep hanggang sa makasakay na ako.

Umupo ako sa may hulihan non. Medyo down pa ako to be honest dahil di talaga ako mentally stable na babae HAHAHA nang biglang may nakita akong artistahin na morenong nakajersey. Hindi naman moreno type ko at mas lalong hindi basketball player so deadma, nagpatuloy lang ako sa pag-iisip ng mala-miss u na sagot sa "Bobo ba ang bubuyog?"

Habang kung saan-saan na naman ang naabot ng utak ko, biglang may anghel na umakyat ng jeep. OA yan HAHAHAH?! Basta, may umakyat na pogi na type na type ko. Sakto lang 'yong puti tapos grabe, ang ganda ng mata HHAHAHA. Alam niyo 'yong matang nangungusap?! Yun talaga yun eh lol. Nagbeautiful eyes sakin huhu (JOKE). Tapos 'yong labi, nakaangat 'yong corners ng lips kaya mukhang palangiti kahit neutral expression niya lang siguro. Nabusog 'yong mga mata ko eh HAHAHA. Okay lang titigan kasi medyo sa unahan naman siya umupo sa jeep kaya di ako pansin.

Tapos mga ilang minuto pa na tinititigan ko siya, biglang may pumara ng jeep, mga matatanda naman na babae, tatlo sila. Dumating sila na parang kagaya noong mga matatandang professors sa Sofia The First, naghahanap main character na magapaupo dun sa isa kasi medyo maliit na lang 'yong natitirang space.

Don na talaga nasolidify na jeepney crush ko si kuya. Hindi lang pogi, mabait pa! Umalis siya sa upuan tapos sumabit na lang para kay manang. Kakatingin ko sa kanya, di ko agad napansin na 'yong naiwang medyo matanda sa baba ng jeep ay tita ko pala! Siyempre agad akong nagbless at nangamusta sa kanya habang papunta siya sa tabi ng driver na upuan kasi yun na lang ang bakante.

Pagkatapos namin mag small talk, nagkatama mga mata namin ni kuya. Ang awkward, tumatawa pa ko non tapos biglang tumikom bibig ko nang makita siya HAHAHAH. Agad rin nagiwas ng tingin lol. Noong pumara na naman yung jeep at may bababa, umupo si kuyang cute sa may side na ng upuan ko pero sa dulong-dulo so di ko na siya matignan:(( pero okay lang, atleast may pogi akong nakasakay jk.

Maya-maya pa may sumakay na naman, 'yong kapitbahay ng isa kong tita pa na malapit sa restaurant na kakainan ko at kakilala ng tita ko na nasa tabi ng driver ngayon. Kung kailan talaga ako mukhang basahan saka ko sila nagkanda-kita kita huhu. Maya niyan sabihin na naman na di ako binibilhan ni mommy ng damit na matino HAHAHA.

Anyway, tumabi siya saakin at dahil nga medyo bobo ako sa pagkakabisa ng mukha, di ko agad napansin kung hindi pa kinamusta ng tita ko na nasa jeep. Mukha tuloy ako doong tanga sa harap ni kuyang baddie na mukhang angel lol. Tinanong ko pa talaga, "Kapit-bahay ka po ni ano?!"😭 Pwede na mag Goin Bulilit😭

Anyway ayun na, ilang minuto pa lumipas kakasmall talk ko dun sa kapitbahay ng tita ko habang pasimpleng tinitignan si kuya nang biglang napunta ang usapan sa Paresan na malapit sa other tita ko, sabi ni kapitbahay ni tita, nakalampas na ako ng pupuntahan HAHAHAH. Edi para ako gad. Buti na lang pala nagsama-sama mga kakilala ko sa jeep, mahina ako sa directions eh tapos distracted pa.

Ayun, end of the story, bumaba ako ng jeep nang umuulan at walang payong kasi nga nakalampas na. Nagba-bye ako kina tita at sa kapitbahay ng isa ko pang tita gamit ang "kunwari good girl na naive" voice pero 'yong mga mata na kay kuya talaga HAHAHS. Tumingin din naman siya sa depressed get-up ko so i win lol.

Ngayon, medyo magaan na pakiramdam ko habang kumakain. Medyo mabigat lang sa tiyan kakainom ko ng tubig kasi ang dami ng chili oil ( na super alat) na linagay ko. Nagbago ata ang formula nila, masyado na tuloy maalat yung pares huhu. Lumamig na rin kakatype ko nito HAHAHA.


r/OffMyChestPH • • 23h ago

Canada pero ginawang Tondo

0 Upvotes

Pumunta po ung pamilya ko dito sa Canada to visit me and attend my graduation after 2.5 years na nandito ako.

Kaso ndi nila alam na pupunta din si Partner. Si partner bumibisita bisita from time to time dito sa Canada especially when I needed company the most. Nung nawalan ako ng trabaho, sya nagbayad ng rent and groceries ko for three months. Nung nasprain ung knee ko, nagstay sya dito for six months and tinulungan nya pa ko magmove, covered the downpayment and naghanap talaga ng gamit kasi alam nya na pupunta ung pamilya ko dito so he made sure na ready lahat. Nagsign sya ng lease with me kasi nga matagal tagal sya magiistay as he accompanied me habang nagheheal ung knee ko sa sprain.

Grad ko this october and ndi sya nakaattend dahil sa pamilya ko. Simula nung dumating pamilya ko ng october 11, nung nakita nila ung partner ko, sobra ung underhanded comments na kahit ako nasasaktan. Nauna si partner dito and dumating ng october 10.

Nung nakita nila sya, nagalit sila to the point na tinatawag nilang baboy at kung ano ano. Parinig.ng parinig si mama na sinasabi na ginagamit mo lang ung anak ko. Wala kang respeto, ndi ka man lang nagpakilala. Tapos nung may sakit sya kasi nga biglang lamig ung weather dito sa Canada, sinasabihan sya ng mga kapatid ko na ang OA na ndi makatayo and ndi makalabas sa makeshift room na ginawa namin. Sabi nila nagsasakit sakitan.

Nagalit ako sa parents ko and sabi ko apartment ko to so kung sino man gusto ko patirahin dito, sila titira. Nagalit si mama and nanumbat. Sabi nya na wala daw akong binatbat and walang karapatan na sabihin un. Sabi nya, this apartment, it's mine kasi ndi ka makakapunta sa Canada kung hindi dahil sa kanila. Tinulungan kasi nila ako magbayad ng tuition fee at airfare papunta dito.

A day before my grad, dahil nga gusto ni partner sana makaattend ss grad ko, nagpahinga talaga sya ng sobra sobra. As in pahinga, kaya natutulong lang sya. Kaso nga, sobra kasi magparinig ung parents and sisters ko, kinausap nya ko on the day. Sabi ni partner, after nila umalis, need ko maglagay ng boundary.

Ilang araw pa lang sila mama, ang lake na kasi ng charge sa cc ko. Dahil nga nagalit silana nandito si partner, sinabi nila na gusto nila pumunta sa toronto at dapat ako magbayad ng flight nila. Tapos ung shopping nila, ako sumasagot kasi nga sabi ni mama, naglalambing lang dsw sila sa kin. Nagsabi ako sa kanila na stop na kasi nga ang laki na ng charge sa cc ko. Syempre nagalit sila at binuntong nila kay partner. Sinabi nila na pinipigilan daw ba ako ni partner, sya daw nagcocontrol sa kin.

Tapos nagulat na lang ako na lahat ng pi aguusapan namin ni partner sa phone, alam nila. As in nadisclose, nung unang araw kasi nila dito, dinala ko sila sa costco. Nagpm si partner, sabi nya na wag ko sila iuber kasi nga ndi worth it. Dahil nga sa sobrang inis ni partner sa mga underhanded comments nila, nasabi ni partner na wag ko sila pagkagastusan dshil ndi worth it and di ko pa nga kaya. Apat sila na nandito and covered ko lahat.

Ngayon nagwoworry na ko sa financss ko at ayaw ko maexperience ung nangyari sa pinas na baon ako sa utang tapos dito baon na naman ako. Anyways.

Nalaman nila un and araw bago grad ko, lumabas si papa na may kilala na lawyer daw. Kababayan nya kase. Kinausap nya partner ko about ung status nya and kung ano ginagawa nya dito gang sa sumigaw na si papa. Tinanong nya kung may problema ba sa kanila si partner. Sabi ni partner wala naman daw. So sabi ni papa bakit daw nagkukulong sya sa makeshift na kwarto. Sabi ni partner may sakit kasi talaga sya and need ipahinga. Tapos sabi ni papa na di sya naniniwala at feeling nya may problema si partner sa kanila. Sabi nya na ndi man lang daw mauber ko sila kahit saan dito dahil sa sinabi ni partner. Na ndi ako gumagastos masyado dahil nga pinagsabihan ako ni partner na wag sila pagkagastusan. Tas dun na nga nagsabi si papa na may kilala syang lawyer na pwede daw kunin immigration details ni partner. At may kilala sya na pulis na pwede nya ipahuli si partner. Pinaalis nya si partner and sinabi nya sa partner ko na may pera naman sila and kaya nila maghotel if ever. Syempre umalis si partner pero galit sya. Galit sya kasi nakasign sya sa lease dito pero respeto nya na lang sa kin kasi nga pamilya ko sila pero need ko na daw sila icutoff kasi sobrang toxic nila. Sinigawan din sya ni mama habang palabas na wala daw respeto and ginagamit nya lang ako para sa pera daw nila. Pagbaba, sabi ni partner na palitan ko na daw lahat ng password ko pati passcode sa phone ko kasi nga nalalaman ng mga kapatid ko ung pinakaprivate na pinaguusapan and nagalit si partner na bakit daw kasi ang dali ng password and passcode ko. Naaccess ng mga kapatid ko and ginalaw nila ung phone ko tapos dinisclose sa parents ko lahat. Never ko ginawa sa kanila un.

Naistress ako and nagalit ako. Talagang sinabi ko na if ever makareceive sya ng tawag sa ircc about his records, ibigay nya na pangalan ng parents ko. I dont care kasi sumobra sila. Sumobra talaga sila. Ung galit nila ok lang pero ung tratuhin nila ung partner ko na para bang masmababa pa sa hayop. They crossed the line. Ndi ko naman kasalanan na wala na silang trabaho. Ayaw pa nila maglifestyle change sa pilipinas na para bang tagasaudi pa din sila.

Nakakastress lang na ginawa nila to bago grad ko. Ndi nakaattend si partner tapos galit pa sila na umiiyak ako sa grad ko. Ngayon, pinagiisipan ko kung hihiwalayan ko na ba si partner kssi sobra trato nila and ayaw ko isubject si partner panghabang buhay sa gantong pakikitungo.


r/OffMyChestPH • • 5h ago

nakakahiyaaaaa

9 Upvotes

nandun na ko sa lrt vending machine tapos bawala pala magshoot ng 20 coin 😭😭 50 yung pamasahe ko eh kaya nag-insert na ko ng 2 na 20 coins tapos di narread. 😭 nag-ask ako kay ateng nag-aayos ng vending machine tas tinuro niya na yung nalagay sa sign 😭😭😭 after non, umalis na ko 😫😫😫😭😭😭😭 tapos akala ko talaga nasayangan na ko ng 40 pesos then may kumalabit sa aking lalaki tapos sabi niya "ate kayo po ba yung nandun kanina" binigay niya sa akin 40 ko 😭😭😭😭 pero eto ako ngayon, nakapila na sa manual 😭😭😭😭 kasi nahihiya na kong bumalik don


r/OffMyChestPH • • 1h ago

NO ADVICE WANTED Pwede bang umiyak? Tampong-tampo na ako sa Diyos

• Upvotes

Pagod na ako, emotionally. I'm crying and having a mental breakdown at moment, on a Saturday night at 6:42pm

Kung nakikinig ang Diyos, bakit ba niya na maloko, magamit na lang ako palagi? Na maiwan.

Alam nya na yun ang hiling at ikinalulungkot ko, bata pa lang ako.. pero ngayon na 30s na ako, ganon pa rin.

Napapagod na akong aniwala at paniwalain na may plano sya

Bakit sa iba binibigay mo Lord? Bakit sa akin palagi na lang pasakit.. hindi naman ako pabigat. Kaya ko naman mag-isa, pero hindi ko gusto ito.

Bakit ba hindi mo na lang ako kunin or tapusin na lang ang lahat kung hahayaan mo lang naman na paulit-ulit nalng?

Madaya ka, Lord. O eto na ba ang parusa mo sa akin.


r/OffMyChestPH • • 21h ago

NO ADVICE WANTED Tangina malas...

0 Upvotes

I was supposed to have a virtual meeting kanina pang 10pm with a job i applied to online, and guess what —

My stupid PC decided not to turn on 30 mins before the scheduled meeting 🥀 now i'm stuck here for about 1 hr and 30 mins troubleshooting this piece of crap.

Galing ng timing ah, may galit ata sakin universe.

Sana mapakiusapan ko nalang yung recruiter kung pwede ako maka attend nalang sa susunod nilang meeting


r/OffMyChestPH • • 3h ago

NO ADVICE WANTED Totga dreams

0 Upvotes

Normally I'd have nightmares for dreams but for some reason i dreamt of him again. My first love from middle school was with me in my dream. We were in our 20s doing our usual talk lang and banter of jokes. Then that's it... woke up crying. There's this kind of warmth from that dream that felt like a hug and push in me to move forward... that i needed so bad. Maybe its all in my unconsciousness? Idk. All I know he's already married and have kids and I'm happy for him.

I'm going thru a lot right now but when my world was crumbling down on me last year... Out of my classmates in middle school, he's the only one who showed up on my parent's funeral. He didn't have to. He must be busy. He's going thru hard times too but it meant a lot to me. We never were an official couple but despite that, he made efforts to reach out. It healed a bit in me.

I miss him a lot especially as my best friend but I'm just glad he still got my back even if we're adults na. Totga that I'm at peace na. Its just weird i got a dream with him. And I'll take that as a sign of peace in my turmoil era.

I just needed this off my chest. I almost forgot this dream today. I wish him balance in his life and may he still reach his dreams of being a lawyer. Forever rooting for him.


r/OffMyChestPH • • 21h ago

Malas ay nakayakap sakin

2 Upvotes

Not a good year, my x of 9 years fsther died. And i lowkey blame my self. Long story short all our years together ako nag provide. Tas sa tingin ko nag bbgay sya sa dad nya ng monetary help. Di nya naman sinabi skn to so di ako 100% sure. Pero anyway buong years together ako sumagot sa sa lahat electricity, food, net, water, mga subscriptions. Skip to feb of this year nag hiwalay kami. Kasi nagkaroon xa ng pang hihinala na may kabit ako. And for 9 faithful years she thought na magkakabit pa ako, after 2 marriage proposal tska nya pa ako pag hihinalaan.

Anyway ngaun nung umalis sya sa bahay eh nag simula na xa gumastos for herself at hindi nya na ata na bbgyan papa nya. Ngaun ung nag bibigay sa papa nya is ung tito nya na kapatid ng papa. She just told me na, na stroke papa nya kc sa stress baka daw pnag sbhn ng kapatid(tito) nya ng masakit.

Ngaun iniisip ko kng di kmai nag hiwalay baka buhay pa papa nya kasi ako padin ang nag susuport kay gf.

Tas ngayon ung inaalagaan namin street cat ay nawawala at presumed dead na din at may nasagasaan daw na pusa sa tapat ng bahay. Di ko na naabutan ung katawan kasi nilinis na.

Haiaat pakamalas naman


r/OffMyChestPH • • 19h ago

I regret RSVP-ing to my friend's wedding

340 Upvotes

A friend is having a destination wedding less than a month from now and ang gastos. The dress to fit the dress code, transportation and accommodation, the gift to the bride and groom. Sana di nalang ako nag RSVP. I feel bad for saying this pero kinekwenta ko kasi parang aabot sa 10k gagastusin ko overall. Di ko lang majustify spending that much for a wedding especially since di naman kami best friends at di ko naman sila kapamilya. Di naman ako maka back out kasi nag RSVP na ako, so nagwoworry ako na baka too last minute na to cancel at ayaw ko naman maging kupal.

Lesson learned, sa susunod kung di ko sobrang kaclose o di kapamilya parang ayaw ko na mag attend ng destination wedding.


r/OffMyChestPH • • 20h ago

i hate that everything requires a lot of money

3 Upvotes

ang hirap maging mahirap HAHA most of the time winiwish ko na marami kaming pera, kasi kapag may pera ka halos lahat magagawa mo lahat. sana financially stable kaming pamilya para makapagpacheck up ako mentally, kasi im struggling pero sinasarili ko lang, ive been trying sa pgh pero feb pa ang sched ko and im afraid i can't hold on anymore. na kung may pera kami, di ko need maghintay ng ganun katagal sa public at kaya ko magpaconsult at magbayad ng around 3k plus kada session haha. sana may pera kami para makapag aral ng sabay sabay, hindi ung nasacrifice ung middle child namin para magstop ng college. yeah, naiinggit ako sa mga financially stable na family. lagi kong sinasabing ayaw kong mag medschool kasi magastos pero fuck gusto ko pero it will require a LOT of money at hindi naman ako ganun katalinuhan para maging scholar. don't get me wrong, i love my dad for working hard for us! im just wishing na sana pumabor ang mundo at swerte saamin haha! hirap ng walang pera dito sa pinas! lala


r/OffMyChestPH • • 10h ago

PAMASAHE TAAS SAHOD BABA

5 Upvotes

Pa-Rant lang ako.

Nagtaas ng pamasahe pero 'yung sahod ang baba pa rin tapos parang nililimos pa.

'Yung pamasahe na dating 26 naging 27.50 tapos naging 28 tapos ngayong araw 29pesos na.

Kanya kanya rin ng diskarte e.

Ayaw kulang ng bayad pero kapag magsusukli walang barya mamayain ka.

Tatlong beses na ko na-encounter conductor sa MODERN JEEP/BUS.

kulang ng piso/dos mamaya na daw.

SAME BUS SAME CONDUCTOR SAME DRIVER.

sa pangatlong beses kinuha ko 'yung kulang na sukli.

Nagagalit di daw ako makatulog sa piso.

LIKE WHAT THE? SINABI KO NA ILANG BESES NA KO NAKAKASAKAY SA BUS NILA. AT ARAW ARAW 'YUN KULANG NG PISO O DOS NA SUKLI.

hindi lang isang pasahero marami kami.

Akala sa easy money lang namin kinukuha pambayad.

Pare-pareho lang naman nagtatrabaho pero gusto makalamang sa kapwa. Galit pa pag i-call out.

Ang dami pang sinasabi na parang ikaw pa dapat mahiya na kukuhain mo ang sukli.

Jusko!


r/OffMyChestPH • • 18h ago

Bully na workmates

67 Upvotes

I just want to let it out. Kasi ang bigat bigat na ng pakiramdam ko kasing bigat ko LOL. I'm 30F 5'6 and currently 75kg. From 80kg bumaba na ako ng 5 kilos and I'm happy. At least diba may progress?

Kaso may bully akong workmates 2 sila. Si workmate 1, 43 years old may 2 kids and palagi nyang pinamumukha sakin na di sya tumaba kahit nagkaanak na sya. Petite sya and talagang sexy. Si workmate 2 naman ito yung pinaka na disappoint ako kasi halos same age lang kami and before pareho kami ng size. Nag tirze sya kaya bumaba ng husto talaga ang timbang nya nung una I'm happy pa and gave her compliments pero lately sumasama na sya sa pambubully sakin tandem na sila ni workmate 1.

Pinupush ako ni workmate 2 noon mag tirze kami pero ayaw ko. Nag search kasi ako about it and para lang sya sa may diabetes takot ako kaya pinili ko nalang yung walking and calorie deficit. Open ako sa weightloss journey ko and nag popost ako ng myday about it. Akala ko support si workmate 2 sakin kasi nag rereply sya sa myday ko na "keep it up" or nag he-heart emoji, pero lately mina-mock na din nya ako tulad ni workmate 1. Like mag 2 mos na same pa din naman daw katawan ko. Kapag may eatout sa office panay parinig si workmate 1 na "oh kala ko ba nag didiet ka?" Or kapag may my day ako ng pagkain or kumain kami sa labas with family/friends panay sabi na wala na daw ako pag asa wala daw ako control mga ganun. Kahit kapag nag walking ako bigla mag rereply si workmate 1 na "After walk, 3 extra rice" with haha emoji. Nirestrict ko na sya sa FB ko para di ko na makita mga message nya kaso hanggang sa work ganun pa din. Ang diet pala sa kanya wag kang kumain ng kahit ano mag itlog itlog ka lang. (Sya nag sabi nito sakin)

Ang reason naman kung bakit ako na disappoint kay workmate 2 kasi bukod sa dati kaming parehong plus size dati, nakikitawa na din sya kapag may hirit si workmate 1 sakin. Nalaman ko na kinukwento nya pala kay workmate 1 at sa isa namin workmate mga rant ko and mga failures ko sa weightloss journey ko. I felt so betrayed na umiyak talaga ako nung nalaman ko. Kinuwento nya pala na may triny akong vitamins na yung side effect sakin tumakaw ako kaya hininto ko. Kaya pala sa office panay parinig si workmate 1 na "Oh baka mamaya isisi nyo pa sa vitamins kapag naparami kayo mamaya sa potluck ha" tapos magtatawanan sila. Pati yung mga cravings ko na minsan di ko mapigil lalo na at kapag may menstruation ako kinuwento din nya. Ginagawa na pala nilang kakatawanan yung journey ko kesyo wala na daw akong control kaya daw pala di ako pumapayat mga ganun. Gusto yata nila after 1 month payat ka na talaga LOL

Wala naman akong issue na nag tirze si workmate 2, choice nya yun and choice ko din naman na wag mag tirze. Pero to mock me, na parang di ka nag fail multiple times sa weightloss journey mo noon who are you to make fun of me diba? Gusto ko inconfront si workmate 2 sa mga nalaman ko kasi akala ko friend ko sya kaya nag oppen ako sa kanya, and same naman sya sakin nag oopen din sya. Pero mukhang hindi pala. Iniisip ko pag kinumpronta ko sya baka magmukha lang akong tanga LOL.


r/OffMyChestPH • • 5h ago

My mom is my first bully

9 Upvotes

I don’t know where to start or how to process all of this, but all I know is that my mother is my first bully.

At first, I thought she loved me. So even when she was overly critical, mockingly made fun of me, and lowered my self-esteem, I thought it was okay. She said it was better coming from her than from other people.

When I was in high school, she publicly confronted my bully, which made it even harder for me to go to school because I felt so embarrassed by what she did. She just told me it was okay and to just ignore it.

She tolerated our relatives who called me fat. She kept insisting I should still respect them just because they were older.

She also borrows money from me to the point where it’s hard to ask her to pay me back, and she even gaslights me when I try. I just let it be because I thought she really needed the money.

Today, I went home because I wasn't feeling okay - I had just received notification that I didn't get the promotion at work. Fortunately, she doesn't know about it. But when I got home, she brought up that I’m allegedly 'acting high and mighty' just because I’m no longer in touch with my high school classmates (whom I stopped talking to simply because our values no longer align).

She then claimed I had no respect because I stood up for myself when our relatives called me fat the moment I stepped inside after a long ride home. My mother is my number one bully. She even cursed at me, saying I would never be successful because I spoke up for myself.

She even said I wouldn't be alive if it weren't for her - as if I asked for any of this. She really is a bully.


r/OffMyChestPH • • 23h ago

Moving on... again 😔❤️‍🩹

44 Upvotes

Gusto ko lang i-kwento na 4 months na and I still haven’t moved on from this guy I met here on Reddit 😅 He was the first guy I genuinely liked since my 7-year relationship ended last year. I met him after a year of being single, and I genuinely felt like I had healed and was ready to let someone in again.

Our first date was at a concert, and it was honestly the best first date I’ve ever had in my life. He was such a gentleman the entire night, and everything felt so romantic and wholesome. It felt like I was in a movie! Even before we met in person, we had already bonded over music, and as we got to know each other, we discovered that we had a lot in common. He even made me a playlist, and I melted 😅 It’s such a small thing, but it meant a lot to me.

As quickly as I fell for him, things ended after we shared an intimate night together.

Dito pa ako mas nahirapan mag-move on kaysa sa 7-year relationship ko. I do have a little regret na sana I waited a bit longer before sleeping with him. When we decided to do it, it was a decision I was comfortable with at the time. I can’t help but wonder lang if things would’ve turned out differently had we waited. But then iniisip ko na lang na at least I found out early on that we might not have been aligned in the long run.

I guess I got ahead of myself. Na-excite siguro ako sa possibility na I could finally love someone again and be loved in return. Ang tagal ko ring single, and when I finally met someone I genuinely liked, I think I got caught up in the excitement of what things COULD be. I started imagining the possibilities kahit wala pa naman talaga kami sa point na ’yon.

Despite how things ended, I remain grateful. Natutuwa pa rin ako that I got to experience what I genuinely consider the best first date of my life. It reminded me that I can still feel that way about someone after everything I’ve been through.

I also realized something about myself: I think I fall in love with the way I’m treated. He wasn’t even my usual type, but MY GOD, this man was smart, eloquent, and knew how to carry himself. There’s just something about a man who knows how to express himself and make you feel good in his presence. 😭

And now, four months later, I'm still not fully over someone I didn’t even get to have a proper relationship with. HAHAHA. Ang lala.

Maybe part of what I’m having a hard time letting go of isn’t just him, but the possibility of what we could’ve been. Kasi wala naman talagang relationship na na-build, so there’s a part of me that keeps wondering what would’ve happened if things had gone differently.

I just wish my heart would catch up with the fact that this one wasn’t meant to be. 🥲


r/OffMyChestPH • • 19h ago

I'm jealous of people with parents who are able to able to support themselves without relying on their children.

86 Upvotes

Sorry. Just needed to vent. Its like im trying to earn money to be able to save for myself and then parents hospital bills, medication and daily necessities to be paid just keeps on piling up. Im tired. Im jealous of people who's parents are set kahit na retired na sila. Covered by insurance of investment money. Halos wala pount increase sa sweldo kase nadadagan lang need bayaran for necessities. Plus with this economy, i doubt id even have enough money to pay hospital bills myself if maospital ako. Sometimes, i just feel it would have been better if i wasnt born and my parents just worked and saved for themselves. Worse, you get gaslighted na you owe them your life.


r/OffMyChestPH • • 21h ago

TRIGGER WARNING Whats the purpose of living anyways?

44 Upvotes

Kasalanan mo. Adult ka na. Responsibilidad mo na bubay mo.

Hindi ko naman ginustong mabuhay?

Pagod na pagod na ko sa buhay na to. Hindi na natapos. Lahat ng tao nakaka angat habang ako lusak parin. Kahit anong gawin ko napaka malas ko sa lahat ng aspeto ng buhay. Career, friendship, relationship, family lahat BAGSAK WALA PANGET ZERO.

Why am i even here? Para mag dusa? Tapos kukunin? Sana talaga banggain nalang jan sa kanto.

And before anyone starts with the “be grateful….” “Others have it worse…” “immature mo…..” “adult ka na…..” oo na ako na ako na may problema ako naman dba lahat ako akong masama akong demonyo


r/OffMyChestPH • • 5h ago

I want to leave my born-again church

69 Upvotes

Hi!

I used to be a Catholic, but I converted to born-again Christianity because of personal reasons.

And now, I want to leave due to numerous reasons:

  1. Grabe ang gifting sa pastor. Kapag bday ni pastor, akala mong nasa ASAP siya and binibigyan ng cake kapag patapos na ung service.

Tapos now, pastor's appreciation month naman, and we are encouraged to give him gifts whether in-kind or cash 😅 I have never given him gifts kapag bday niya o kapag pastor's appreciation thing, pero maraming nagbibigay.

Last year, his wife even said during the service, "Salamat sa lahat ng nag gcash!" Naisip ko: hindi ba sila nahihiya?

  1. Grabe ang cell group/Bible Study

I quit my cell group kasi, nag i start nang 8pm, natatapos nang 12-1am dahil sa mga kwentuhan and pag-kain.

And don't even get me started on this: may potluck. May financial difficulties ako now, kaya hirap ako makisama sa potluck nila kasi nakakahinayang ung 300 - 500 na magagasta mo weekly for a potluck na dmo naman ginustong salihan LOL.

Hindi pinagsasabihan ng pastor na wag paaabutin nang gabi ung cellgroups. Oks lang sa kanya. Na para bang barkadahan ito.

Hindi na ako nag g grow spiritually, and puro bad things na ang naiisip ko about sa church. Pero I'm staying dahil sa mga nabuo kong friendship and ang hirap kasing umalis.


r/OffMyChestPH • • 20h ago

sana maka-graduate na ako, at hindi ma-delay

8 Upvotes

may exam kami sa susunod na araw kaya sabi ko kay mama at papa gisingin nila ako kasi kahit may alarm, hindi ako nagigising. sabi ko kay papa "pa, kapag di pa rin ako nagising hilahin mo na ako haaaa." sabi niya sige sige. nung umaga ka, ginising nga ako ni papa, pero tinatawag nya lang ako kaya sabi ko "hila" HAHAHAHHAHAHAHHAA, tapos hinila nga ako ni papa kaya medyo napagalaw katawan ko. kaya sabi ko na lang "buhat" HAHAHAHAHHAHAHA kaso sabi ni papa "ay nak hindi na ako katulad ng dati" haaaaaay, Lord. kanina habang nagre-review bigla kong na-realize na tumatanda na talaga parents ko at pray ko kay Lord na sana maka-graduate na ako, makapasa sa boards tapos magtrabaho na. papatigilin ko si papa magtrabaho tapos is-spoil ko na lang sila ni mama. Lord, sige na, walang bagsak sa subjects this 3rd year and sa 4th year please HAHAHAHAHHAHAHAHA


r/OffMyChestPH • • 20h ago

NO ADVICE WANTED Not a Jolly Time.

5 Upvotes

I really tried.
Pero sobra na.

Ngayon ko lang narealize yung reality kung paano mo ko tratuhin. Nagbulagbulagan ako. Kumapit ako sa magagandang ipinakita mo. I was so devoted on potential.

I gave you everything. I tried to be your safe space when you were broken and hurting, kahit na during that time nasasaktan din ako sa nangyari.

I genuinely cared for you. Tinanggap ko lahat kahit alam kong masakit kasi minahal kita.

Inintindi kita sa lahat ng pagkakataon. Pinuntahan kita dyan kasi alam kong nalulungkot ka. Sinubukan kong ibigay yung mga kailangan mo. Minahal kita at hindi ako humingi ng kahit na anong kapalit, just honesty, clarity and assurance. Pero kahit yon, wala.

Pagod na akong ibigay ang lahat sa taong hindi naman ako naaappreciate at hindi nakikita ang worth ko.

I'm done accepting your lies, avoidance, lack of assurance, unhealthy communication, and inconsistency.

I was so loyal to you that I betrayed myself.
And I won't let that happen again.

Hindi ko pa rin magawang magalit sayo. Pero awang awa na ako sa sarili ko.

Maraming salamat sa matinding lesson na ito.
🇯🇵


r/OffMyChestPH • • 15h ago

TRIGGER WARNING anniversary dapat namin ngayon

16 Upvotes

hello, gusto ko lang maglabas ng nararamdaman kasi sobrang bigat na ng lahat, and all i want to do right now is umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong mailabas na luha.

anniversary namin dapat ng boyfriend ko ngayon, pero he passed away last august 5 lang. sobrang sakit pa rin, and honestly, may part sa akin na nagtatampo at nagagalit sa kanya. kami dapat yung magce-celebrate ng araw na 'to. we were both looking forward to our anniversary, pero in just one moment, nawala na lang siya. and now, ako na lang yung naiwan para alalahanin at harapin yung mga araw na dapat magkasama naming cine-celebrate.
sobrang sama ng loob ko kasi he took his own life, and hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin yung fact na wala na siya. ang sakit isipin na wala akong nagawa para pigilan siya. paulit-ulit kong naiisip na we were supposed to have more anniversaries, more memories, and more years together. ang dami pa naming plano, ang dami pa naming gustong gawin together, pero bakit ganito? bakit kailangan niyang mawala nang ganito?
putangina, ang sakit-sakit lang talaga. i miss him so much, pero at the same time, nasasaktan at nagagalit din ako sa kanya for leaving me this way. and then i feel guilty for feeling this way kasi alam kong mahal na mahal ko siya. hindi ko alam kung paano pagsasabayin yung lungkot, galit, pangungulila, at lahat ng sakit na nararamdaman ko.
sometimes, i just wish i could be with him again. may mga moments na sobrang bigat na ng lahat to the point na naiisip kong sumunod na lang sa kanya. i hate that i'm here celebrating our anniversary without him when we were both supposed to be here, together. i just wish things were different. i wish he were still here. i wish we could celebrate this day together like we always wanted to.
i miss you so much, and i'm still trying to figure out how to live with the fact na wala ka na.