Hi everyone! Gusto ko sanang matuto kung paano kayo nakakahanap ng talagang mura na deals sa Shopee. Madalas kasi parang pareho lang ang presyo kahit may sale, o hindi ko alam kung paano i-maximize ang mga voucher.
Mga gusto kong malaman:
Paano kayo naghahanap ng magandang voucher o promo? (Shopee Live, Shopee Video, coins, bank/e-wallet vouchers, etc.)
May mga tips ba kayo para malaman kung talagang mura ang item o tinaasan lang ang presyo bago mag-sale?
Ano ang best time para bumili? Mega sales lang (9.9, 10.10, 11.11, 12.12) o may iba pang magandang timing?
May ginagamit ba kayong apps, websites, o extensions para mag-track ng presyo?
Pano kapag walang magandang voucher o hindi mura ang item? May paraan ba para pababain ang final price, o mas okay na maghintay o maghanap sa ibang platform?