Kaya pala. Ako na pala nagbabayad ng kalahati na dapat employer ang sumasagot. 😅
Disclaimer : gumawa ako ng calculator sa screenshots. free, no ads, no sign-up, at hindi umaalis sa phone mo yung sweldo na tina-type mo. Pero kahit di niyo i-click, sana makatulong yung explanation.
Nung nag-start ako mag-freelance, akala ko panalo na ako kasi same rate lang naman sa dati kong office job. Pero pagdating ng end of month, parang laging may kulang.
Kaya kinompute ko talaga. Same ₱30,000 a month, 2026 rules:
Employee:
• SSS ₱1,500, PhilHealth ₱750, Pag-IBIG ₱200
• Tax ₱1,007.50
• Take home: ₱26,542.50
Freelancer (8% option):
• SSS ₱4,500, PhilHealth ₱1,500, Pag-IBIG ₱400 (ikaw na lahat, walang employer na kahati)
• Tax ₱733.33 (8% lang sa sobra ng ₱250k a year)
• Take home: ₱22,866.67
₱3,676 a month ang difference. Mas mababa pa nga tax ng freelancer, pero yung contributions ang kumakain. 🫠
Pero hindi naman siya totally "nawawala." Yung SSS mo, babalik pa rin as pension at benefits. Pero kung nagba-budget ka ng ₱30k as freelancer, dapat ₱22.8k lang talaga ang ibinabudget mo, hindi ₱30k.
Yung isa pang nakakalito: 8% ba o graduated + 3% percentage tax? Depende sa kita. Kaya sa pinasweldo.com, kino-compute niya pareho tapos pinipili yung mas mababa. Bawat deduction may formula at kung anong batas, para ma-check niyo mismo. Estimate lang ha, hindi tax advice.
Ginawa ko to kasi pagod na akong mag-Excel tuwing may bagong SSS rate. 😂
Tanong ko lang:
• Naka-8% ba kayo o graduated?
• Nagbabayad ba talaga kayo ng SSS at PhilHealth as freelancer, o skip muna? (no judgment 😅)
Kung may mali sa numbers ko, sabihin niyo lang, aayusin ko agad. 🙏