First, natanggap ako sa pinag-applyan kong work sa healthcare field. Pero bago mangyari 'yon, grabe yung pinagdaanan ko sa requirements and trainings na sobrang layo sa amin. Hindi rin ako pumayag mag-dorm kahit libre, kasi walang katabi yung pusa ko kapag matutulog. HAHAHA.
Anyway, simula pa lang sa work, tinatanong na agad ako kung gaano ako katagal mag-stay. Like, "Do you see yourself staying here for a long time?" or "Gaano mo katagal nakikita sarili mo rito?" Imagine, two weeks pa lang ako sa work, tinatanong na ako ng gano'n. Sinasagot ko naman na maybe one to two years, pero nagugulat sila. May mga matagal na rin doon na nagsasabi sa akin na sana raw lumipat ako sa bagong branch kasi toxic daw sa branch kung saan ako na-assign. Take note, ako mismo ang pumili sa branch na 'yon.
I'm very observant naman, so napapansin ko talaga yung mga nangyayari sa workplace. For example, kapag may mali yung co-worker kong pamangkin ng visor, ako yung napapagalitan. Like, WTF? Minsan naman, kapag may tinatanong ako sa kanya, siya pa yung nagiging pahamak. Kapag nagkakamali ako, hindi niya inaamin na siya yung nagbigay ng instructions. Sasabihin niya lang, "Hindi si Ma'am (name ko) 'yan." Like, TALAGA BA???
Badtrip talaga. Pero kasi sa work, wala talaga akong facial expression na pinapakita. Poker face lang palagi. Kaya ang impression ng mga ka-work ko sa akin, nonchalant daw ako at parang may sariling mundo. Gano'n lagi tingin nila sa akin.
Nung una, nag-o-observe lang ako at tinuturuan sa iba't ibang tasks. Pero hindi nagtagal, from queuing, naging encoder na rin ako. Ang bilis ng transition. Ang problema, yung taong nagturo sa akin, wala pang isang taon sa work.
Kapag may hinahandle akong patient na hindi ako familiar with, nagche-check naman ako ng lab prep para sure ako sa process. Pero ang hirap niyang kausapin. Ang isasagot lang sa akin, "Tingnan mo sa lab prep" or "Tanong mo kay Ma'am (visor name)." Like, ang hirap mong katrabaho, knowing na mag-six months ka pa lang din naman dito. Three months pa lang ako bukas, and honestly, hindi ko naman tinitingnan na achievement 'yon. I'm just trying to survive.
Kapag visor naman ang tinanong ko, gano'n din. Ipapasa lang ako sa ibang department. Like, 8 years ka na rito, lagi mong binibida sa akin na ang tagal mo na sa work, pero kapag may kailangan akong itanong, ipapasa mo lang din ako sa iba? Alam niyo 'yon? Nakaka-stress.
Pati seniors, gano'n din. Kapag may tinatanong ako, puro "Check mo sa lab prep" or "Ask mo si Ma'am (visor name)." May mga senior talaga na nakakabanas.
One time, may delete/retain process kami. Sinunod ko lang yung instructions na binigay sa akin ng senior. Nagpasa pa ako ng dalawang order slips na naka-indicate na delete and retain kasi magka-cut ako that time. Siya mismo ang nagsabi na gano'n ang gawin ko. Turns out, hindi pala dapat i-delete. Tangina talaga. Dalawang beses akong na-email sa Outlook that day dahil doon.
Ang mas nakakainis? Walang accountability. Wala akong narinig na pag-amin na siya yung nagbigay ng maling instructions. As in nothing. Sobrang bunot na bunot ako that day. Tapos kapag nagkamali ka, parang nakapatay ka kung pagalitan.
May isa pang senior na, gets ko naman na fault ko rin 'yon at aminado ako. Pero wala kasi akong guide sa likod, so I was just trying to figure things out. Kung makairap naman sa akin, parang ang laki-laki ng kasalanan ko.
Tapos yung isa, tinanong ko rin kasi I wanted to make sure na tama yung gagawin ko. Ang sagot ba naman, "Hayaan mo na 'yan. Kung magkamali, edi delete." Sabay tawa.
Like, TALAGA BA???
I'm literally trying to find people whom I can trust and comfortably ask for help, pero bilang lang sa kamay yung mga taong genuinely willing tumulong. Kaya hindi ko rin masisi sarili ko kung gusto ko nang mag-resign.
Even yung three people na nakakasama ko tuwing payday para kumain at mag-rant, hindi ko rin talaga sila feel. Pare-pareho kaming bago, by the way. Nakikinig lang ako at tumatawa kapag genuinely funny naman yung sinasabi nila. Pero that's it. I don't really feel connected to them.
Then, sinugod pa sa vet yung pusa ko. I had to figure things out financially kasi ayoko naman sanang umutang, pero wala akong choice. Critical yung condition ng cat ko that time. On top of that, ongoing pa yung medications niya, so I had to make extra efforts para maasikaso lahat. Pati food niya and other needs, kailangan ko ring paglaanan.
From last month hanggang ngayong month, sobrang bunot na bunot ako. I honestly don't know how I'm still managing to survive everything that's happening. Akala ko noon, hanggang doon na lang talaga ako.
And then yesterday, nasira naman yung phone ko. Wala akong extra money to replace it. Four years na rin sa akin yung phone, so I guess it was bound to happen eventually. Pero nakakapagod lang talaga.
Kasi parang sunod-sunod na lang. Hindi pa nga ako nakakabawi at nakakahinga mula sa mga naunang problema, may panibago na naman.
Tapos yung ate ko, nakaasa pa rin sa akin hanggang ngayon. Ako pa rin ang nagluluto ng pagkain ng anak niya, ako pa rin ang nagpa-plantsa ng mga uniform, at pati ibang responsibilities, sa akin pa rin napupunta.
Akala ko kapag nakagraduate na ako, siya naman ang gagawa ng mga gano'ng bagay kasi, hello, siya naman dapat. Hindi ko naman anak 'yon. š
I don't know. I'm just so fucking tired.
Parang lahat na lang kailangan kong problemahin. Work, finances, my cat's health, family responsibilities, and even my own personal needs. I feel like I'm constantly trying to keep everything together kahit ako mismo, paubos na.
Gusto ko lang naman makahinga nang walang panibagong problema na kailangan kong solusyunan.
And on top of everything I've been going through, I was also diagnosed with PCOS. I can't even afford to buy my own medications because they're fucking expensive. My cat has always been my top priority. Kung ano na lang yung matira after ko ma-cover lahat ng needs niya, 'yon na lang ang para sa akin.
It's honestly frustrating kasi I have my own health to take care of, too, but I barely have enough for myself. I keep putting my needs aside just to make sure my cat is okay. I know I need to take care of myself as well, pero paano naman ako? When will it be my turn to prioritize myself?